^

PSN Opinyon

Bahay sa buhay ng mga OFW

PINOY OVERSEAS - Ramon Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa hanga-ring makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak, isa rin sa karaniwan at mga pa-ngunahing dahilan ng maraming mga overseas Filipino worker sa pangingibang-bansa ang magkaroon ng sari-ling bahay.

At alam natin kung gaano kahalaga ang magkaroon ng sariling tirahan sa panahon ngayon. Iyong hindi ka na uupa. Iyong hindi ka laging kakabahan tuwing sasapit ang a kinse o katapusan ng buwan na oras na naman ng bayaran sa inuupahan mong kuwarto o bahay o apartment. Iyong hindi na kailangang magpalipat-lipat ng tirahan. Paano na kung bigla kang nawalan ng trabaho o nagretiro ka na? Saan ka kukuha ng pambayad ng renta kung wala kang ibang hanapbuhay?

Pero, batay na rin sa mga mungkahi at payo ng mga tagapagtaguyod ng financial literacy, ang bahay at lote ay hindi lang iyong puwedeng tirhan mo at ng iyong pamilya. Bubungan na masisilungan tuwing tag-ulan o tag-init. Puwede rin itong maging puhunan o negosyo. Bagay na nagsisilbing alternatibong kabuhayan.

Sa nagdaang ilang mga taon, marami na rin namang mga OFW ang nagawang makabili ng sarili nilang bahay at lote (o lupa) o kaya condominium unit pagkaraan ng mahabang panahong pagsisikap sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Bukod sa maaari nilang tirhan, nagagamit din nila itong negosyo.

Kaugnay nito, isang financial literacy advocate na si Randell Tiongson ang naglatag ng ilang puntos na maaa-ring pakinabangan ng mga OFW na nagnanais na mamuhunan o gawing negosyo ang nabili nilang bahay at lote.

Ayon kay Tiongson, kabilang sa magaling na paraan ay ang mamuhunan sa bahay at lote sa mga lugar na malapit sa mga eskuwelahan o nasa central business district.  Lagi kasing may naghahanap dito ng mauupahang mga kuwarto, dormitoryo, apartment at iba pang klase ng paupahang bahay.  Dahil nga laging may pangangailangan dito, palagi rin ang agos ng kita.

Kung malapit ang bahay at lote sa isang pamantasan, ayon na rin kay Tiongson, tuwing ikaapat o ikalimang taon ay laging may bagong grupo ng mga estudyante na maghahanap ng kanilang matitirhan. Makakaasa ka na may laging maghahanap ng tirahan malapit sa kanilang eskuwelahan o trabaho.

Pero, bago magpa-syang bumili ng bahay at lote (na pagtatayuan man ng apartment, dormitory, apartelle, boarding house at iba pa) na binabalak na gawing negosyo, binanggit ni Tiongson ang ilang punto na kailangang isaalang-alang.

Isa rito ang lokasyon ng bibilhing lote at bahay. Malapit ba ito sa mga shopping mall, parke, ospital at pampublikong sasakyan?  Mas ma-lakas ang kikitain ng mga property na nasa ganitong mga lugar. Sa Metro Manila halimbawa, mas marami ang naghahanap ng matitirhan sa Quezon City, Makati City at Parañaque City dahil  sa rami ng nakatayo ritong mga pamantasan at kolehiyo, research institute, commercial development at mga business district o negosyo.

Patuloy ring dumarami ang naghahanap ng mga tirahan sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) dahil sa patuloy na mga pagpapaunlad sa mga lugar na ito. Mas mainam kung mamumuhunan sa properties sa mga lugar na hindi pa gaanong maunlad pero nakatakdang lumago at umunlad sa hinaharap. Mamuhunan sa mga properties sa maagang antas ng pag-unlad nito.

Isa pang isyu ang buwanang amortisasyon. Isang bagay ang magkaroon ng sapat na pera para sa downpayment. Pero ibang bagay ang kakayahang magbayad ng buwan-buwan sa amortisasyon sa kukuning bahay at lote. Magkakaiba ang mga payment terms, interest rate at timeframe.

Ang permanente lang ay ang panga-ngailangang makahulog sa oras buwan-buwan. Iwasang mahuli sa pagbabayad o ang magkaroon ng arrears dahil magbabayad ka lang lalo ng mas malaking interest. Alamin at tiyakin muna na makakabayad ka ng buwanang amortisasyon bago magpa-syang mamuhunan sa real estate.

Dapat meron ka ring naipong pondo para sa panahon ng kagipitan. Bilang landlord, dapat nakahanda kang ipaayos ang mga sira o butas na bubungan, pagkumpuni ng mga sirang bahagi ng bahay.  Kung nabakante nang maraming buwan ang bahay, kailangang may nakalaan kang pambayad sa mga utility tulad sa tubig at kur-yente.  Mahalaga ang pagkakaroon ng savings o emergency fund para sa mga emergency situation kaugnay ng iyong pinauupahang property.

* * * * * * * * * *

[email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with