^

PSN Opinyon

Zero election-related incidents sa Bicol Region! — Gen. Reyes

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Ang nakaraang May 9 elections ang masasabi kong pinaka­­mapayapa, mabilis at maayos na halalan sa bansa. Sa talaan kasi ng Philippine National Police halos 16 na validated elec­tion-related incidents at 19 suspetsadong insi­­dente ang nailista mula Enero 9 hanggang election­ day at may mga lugar pang zero incidents, kabilang na ang Bicol­ Region. Kung 35 na kaso lang ang tinutukan ng Directorate for Investigation and Detective Manage­ment (DIDM) ng PNP, aba masyadong mababa ito kumpara sa 166 na kaso noong 2010 presidential elections at 133 noong 2016 na halalan naman. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Kaya hindi na dapat magtaka kung ang halos lahat ng nanalong kandidato ay pinuri ang Commission on Elections, PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang stakeholders dahil natuwa sila sa kinalabasan ng halalan. Mismooooo!

Siyempre, isa sa natuwa sa resulta ng halalan ay si Brig. Gen. Mario Reyes, ang director ng PRO5, dahil zero election-related incidents sa kanyang nasasakupan. Sa totoo­ lang, maliban sa Catanduanes, ang mga probinsiya­ ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, Naga City, at Masbate ay kinokonsidera ng PNP na hot spots sa May elections.

Kaya hindi nag-aksaya si Gen. Reyes na magsagawa­ ng maximum deployment at augmentation ng PNP personnel, lalo na sa mga lugar na malapit sa polling pre­cincts at strategic areas na nagbunga naman ng magan­dang resulta.

Malaki rin ang naitulong sa zero incidents ang mga peace covenants na inisyatibo ni Gen. Reyes sa mga local candidates na tumalima naman sa mga kasunduan. Dipugaaaaa! Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, hindi magiging matagumpay ang lahat ng pinaghirapan ng mga tauhan ni Gen. Reyes kung walang koope­rasyon ng mga Bicolano, di ba mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Halos isang buwan pa lang si Gen. Reyes sa PRO5 subalit subsob kaagad siya sa anti-criminality campaign kahit election period. Sa katunayan, nagsagawa ang mga tauhan niya ng 19 anti-drug operations na nagresulta ng pagkaaresto ng 24 katao at pagkumpiska ng P2.3 milyon halaga ng droga. Sa pagpatuloy na checkpoint operations, walong baril ang nakumpiska, pito ang isinuko at 14 iba pa ang narekober.

Sa illegal gambling naman, 31 operations ang ikinasa at 99 sugarol ang nasakote, at nabawi ang P52,085 cash bets. Sa illegal fishing, 11 operations ang isinagawa at 15 katao ang nasukol at P190,500 worth ng isda ang nakumpiska. May 14 komunista naman ang nalambat ng PRO5 at anim na baril ang nakumpiska. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Ginalingan kaagad ni Gen. Reyes at bunga sa motivated by intelligence, leadership at experience n’ya ang mga tauhan n’ya, t’yak makakamtan nila ang goal na matahimik ang Bicol Region sa darating na mga araw. Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with