^

PSN Opinyon

Sino ang ipapalit kay DOH Sec. Duque?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man nakapanunumpa si incoming president Ferdinand Marcos Jr. at vice president Sara Duterte, may malaking hamon na sa kanilang liderato. Sa kasalukuyan kasi patuloy na tumataas ang kaso ng dengue sa Western Visayas. Sa Cebu halos umabot na sa 2,000 ang tinamaan ng dengue at karamihan sa mga ito ay mga kabataan. Iniulat na 31 na ang namatay rito. Kaya dapat makahanap na ng magaling na kalihim ng Department of Health (DOH) ang tandem nina Marcos at Sara.

Upang magkatotoo at maisakatuparan ang pangarap ni Marcos na magkaisa ang mga Pilipino ay dapat magaling sa gawa at hindi sa salita. Kailangang handa si Marcos sa hamon ng buhay katulad na lamang sa mga preparasyon­ sa kalusugan. Iyon bang paparating pa lang ang sakit o pan­demya, may paghahanda na agad upang mapigilan ang paglaganap.

Sayang naman ang boto ng 31 milyong Pilipino kung maging palpak na naman ang maitatalaga sa DOH. Nabaon sa utang ang bansa nang manalasa ang COVID-19 dahil nangutang ng trilyon-trilyon ang Duterte administration para ipambili ng bakuna. Aabutin ng 40 taon bago mabayaran ang inutang natin sa World Bank at iba pang mayayamang bansa sa pinambili ng mga bakuna. Ang masakit nito patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 matapos magmatigas ang ilang kababayan na magbakuna kontra COVID.

Kung sabagay, bago ang paglisan ni DOH secretary Francisco Duque III ay naisakatuparan naman ang paghouse to house vaccination at maging ang sa Muslim community ay nahimok narin na magpabakuna. Hindi naman kasi natin kayang pigilan ang pagdami ng kaso ng COVID kahit na lahat ng Pinoy ay may bakuna, subalit may proteksyon na ang bawat mamamayan upang mapigilan ang paglala nito.

Kaya umaasa ngayon ang sambayanan sa pagbabago ng administrasyon na nawa’y makapili ng tamang kalihim para sa DOH na ang iniisip ay ang kaligtasan ng sambayan sa lumalaganap na sakit ngayon. At ang tinitingala ngayon ng mga Pilipino ay itong pangako ni Marcos na palalakasin niya ang Presidential Commission on Good Government (PCGG). Malaking kaluwagan sa bagong administrasyon kung mababawi ang mga tagong yaman ng ilang opisyales. Dagdag ito sa kaban ng bayan na sumadsad matapos na tumama ang COVID-19.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with