^

PSN Opinyon

Payo sa may gout

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Nainterbyu ko si Dr. Ging Zamora-Racaza, isang magaling na rheumatologist sa UP-PGH ukol sa gout.

Ang gout ay pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng mga daliri, paa, bukung-bukong at tuhod.

Para malaman kung gouty arthritis ang sakit, kaila­ngang suriin ang uric acid sa isang blood test. Kapag mataas ang uric acid sa dugo, puwede itong magbuo at pumunta sa kasu-kasuan. Sobrang sakit ang pakiramdam sa gout.

Mga payo at gagawin kung may gout:

1. Kapag mainit ang panahon o dehydrated ang katawan, mas nabubuo ang uric acid sa joints kaya sumusumpong ang gout.

2. Nakatutulong ang pag-inom ng 8-10 basong tubig sa gout. Ito ay dahil mas naaalis ang uric acid crystals sa katawan.

3. Ang alak, karne at lamanloob ang nagpapalala ng gout. Masama rin sa gout ang matatamis at maaalat na pagkain.

4. Mali ang paniniwala na masama sa gout ang mga gulay tulad ng monggo, okra, sitaw at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas madaling maalis ang vegetable protein sa katawan kumpara sa karne.

5. Ang bawal sa gout ay ang animal protein tulad ng karne at lamanloob.

6. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdidiyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang uric acid levels sa dugo. Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o Febuxostat.

7. Sa pagsumpong ng gout, nagbibigay ang doktor ng Colchicine tablets, apat na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic acid para sa kirot.

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with