^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bagsikan ang batas vs cyber criminals

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bagsikan ang batas vs cyber criminals

NAHULI na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa likod ng “Mark Nagoyo’’ gang na nag-hacked sa BDO-Unibank accounts noong nakaraang Disyembre. Limang suspects ang nahuli na ang pinaka-mastermind ay nakilalang si Jherom Anthony Diawan Taupa. Si Taupa ang nagpakalat ng scam page ng banko na nakapanloko ng 700 kliyente. Sa pamamagitan ng pagklik sa link, nagawang mai-transfer via InstaPay ang P50,000 ng kliyente patungo sa UnionBank na ang account ay nagngangalang “Mark Nagoyo”.

Ang iba pang suspects ay nakilalang sina Ifesi­nachi Fountain Anaekwe alyas Daddy Champ at Chukwuemeka Peter Nwadi, kapwa Nigerians na nahuli sa Mabalacat, Pampanga. Nahuli rin sina Romelyn Panaligan at Clay Revillosa na umano’y mga nagdebelop ng scam page. Ayon sa NBI, ang grupo ay nagbebenta rin ng phishing websites at nag-ooperate ng scam pages upang ma-hack ang G-Cash wallets.

Sinabi pa ng NBI na may mga kasabwat pa ang “Mark Nagoyo” gang at babagsak din ang mga ito sa kanilang mga kamay sa lalong madaling panahon. Nabatid din ng NBI na isa pang banko umano ang tinatrabaho ng Nagoyo gang subalit hindi nila pinangalanan.

Aktibo ang mga cyber criminals lalo na ngayong nauso ang digital banking at naging popular pa mula nang manalasa ang pandemya. Mahigpit na pinaalala ng NBI at ng Banko Sentral ng Pilipinas sa bank depositors na huwag ibibigay ang account details, user IDs, passwords at personal identification numbers sa sinuman. Mag-ingat at huwag sasagutin ang emails o texts messages na natatanggap. Idelete agad ang mga kahina-hinalang messages.

Nararapat namang bagsikan pa ang batas laban sa mga cyber criminals. Higpitan din ang pagpasok ng mga dayuhan, lalo ang Nigerians na eksperto sa pag-hacked ng accounts. Parusahan nang mabigat ang mga sangkot sa phishing, smishing at iba pang uri ng electronic financial crimes. Dapat lipulin ang mga salot upang hindi na pamarisan.

vuukle comment

CYBERCRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with