^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paluwagin at padaliin pa ang pagbabakuna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Paluwagin at padaliin pa ang pagbabakuna

Maliit na porsiyento na lamang ang mga taong ayaw magpabakuna. Nabawasan na ang mga urung-sulong sa pagpapaturok laban sa COVID-19. Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), walong porsiyento na lamang mula sa dating 18 porsiyento ang ayaw magpabakuna. Ang survey ay ginawa noong Disyembre 2021.

Malaki na ang ibinaba ng mga ayaw magpabakuna. Sa mga survey ng SWS na ginawa noong Mayo 2021, lumabas na 33 porsiyento ang ayaw magpabakuna pero noong Hunyo 2021, bumaba ito sa 21 porsiyento hanggang sa maging 18 porsi­yento noong Setyembre 2021.

Iba’t iba ang dahilan kaya may urung-sulong sa pagbabakuna. May nagsasabing natatakot sila dahil­ mayroon silang taglay na sakit at baka lalo itong lumubha kung mabakunahan. Mayroong bawal daw sa kanilang relihiyon ang bakuna at may mga nagsabing nahihirapan silang magpare­histro on-line o magpa-schedule at may nagsabi rin na hindi nila alam kung saan ang vaccination sites at wala ring nagsasabi sa kanila ukol dito.

Magandang balita na pakonti na nang pakonti ang bilang ng ayaw magpabakuna. Maaaring sa susunod na buwan ay mas maliit na porsiyento na lamang ang tumatangging magpabakuna.

Isa sa maaring dahilan kaya paunti nang paunti ang ayaw magpabakuna ay dahil pinaluluwag at pina­dadali na ng local government units (LGUs) ang pagbabakuna sa mga residente. Dahil dito nahihikayat ang marami na magpabakuna.

Isang magandang halimbawa ay sa Quezon City kung saan maraming vaccination centers na mapu­puntahan ang mga residente. Pumunta lamang ang mga nais magpabakuna sa designated vaccination­ centers at babakunahan na. Kung magpapa-booster­ shots dalhin lang ang vax card. Puwede ang walk-in. Wala nang marami pang kuskos balungos. Ganito dapat para mahikayat ang lahat para may proteksiyon sa virus. Kailangang padaliin at paluwagin ang pagbabakuna.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with