^

PSN Opinyon

Away ng PnB at STL sa Cagayan, grabe na!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Hindi na maganda ang pagkukumpetensiya ng Peryahan ng Bayan (PnB) at Small Town Lottery (STL) sa Cagayan. Matindi na ang away sa negosyo ng dalawa!

Bakit pinapayagan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Malacañang officials ang ganito? Kuwes­tiyonable ang operasyon ng dalawa.

Noong 2016, binawi ng PCSO ang deed of authority ng Globaltech Mobile Online Corporation na nagbibigay permiso sa PnB.

Ibinibitin ng PCSO ang mandatong binigay ng Court of Appeals para sumailalim ang dalawa sa arbitration upang resolbahin ang isyu.

Magpipitong taon na ang arbitration process subalit hindi matuldukan kung dapat nga bang magpatakbo ng loterya ang Globaltech.

Sinasadya ba ang hindi pagresolba sa arbitration pro­cess para magpatuloy ang operasyon ng PnB?

Samantala, ang STL ng Charity Games of Chance Corporation (CGCC) ay ipinasasara subalit nakapagtatakang hindi naman isinasara ng pamunuan ng PNP-Region 2.

Ito ay sa kabila na bilyong piso ang utang nito sa gob­yerno. Takot ba sila sa mga dating opisyal na matataas ang ranggo sa military?

Walang epekto sa kanila ang away ng PnB at STL basta sagana sa pakinabang mula kay “BC” at “generals”.

Wala man lang marinig ang mamamayan sa naka­piring ng mga lingkod ng bayan.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

STL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with