^

PSN Opinyon

Walang patawad

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Election na naman at may mga areas talaga na kino­konsiderang hotspots dahil sa violent incidents na nang­yayari lalo na sa mga magkatunggali sa pulitika.

Nitong huli lang napapabalita ang magkasunod na patayan sa Tacurong City, Sultan Kudarat na pawang mga tumatakbo sa local positions ang mga biktima.

Kung hindi man pulitiko, ang mga pinapatay naman ay ‘yung may mga katungkulan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga malalapit na mga bayan din.

Walang patawad nga ang pulitika kasi nga napakabigat at seryoso ang pananambang na nangyayari kung saan handang kumitil ng buhay ang mga involved nito upang makamit nga lang ang kanilang mga hinahangad na puwesto sa kanilang lokal na pamahalaan.

Ngunit maliban naman sa mga sinasabing election hot spots, may mga localities din dito sa katimugan na ma­ikonsidera namang walang history ng political violence gaya ng Davao City.

Malapit na ang Mayo 9 at magsisimula na sa susunod na buwan ang kampanya para sa mga tatakbo sa mga national positions gaya ng pagka-presidente, bise-presi­dente at mga senador. At sa Marso ang kampanya naman para sa mga tatakbo sa local positions.

Sana hindi na madagdagan pa ang mga biktima ng political ambitions ng iba riyan.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with