^

PSN Opinyon

No vax, no ride, only in the Philippines

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA ako sa bakuna. Katunayan, kumpleto na ako sa first at second dose kasama na ang booster shot. Ngunit hindi ko sinasang-ayunan ang “no vaccine, no ride policy” na ipinatutupad ng pamahalaan. May dala­wang dahilan kung bakit.

Una, ito ay paglabag sa karapatan ng tao na magde­sisyon kung ano ang makabubuti para sa kanya. Panga­lawa, tingin ko ay wala itong lohika. Bakit magpapa­tupad ka ng pagbabawal pero nagtakda naman ng exemption dito? 

Halimbawa, kung may bibilhin kang essential goods sa labas gaya ng gamot o pagkain, puwede kang paya­gang makasakay sa public transport basta’t may clearance o permiso mula sa barangay. At hindi nga ba may pahayag na ang Department of Labor and Employment na hindi dapat tanggalin ng employer ang kawani nito dahil walang bakuna?

Ang barangay clearance ba ay nangangahulugan na ang isang hindi bakunado ay hindi na makapang­ha­hawa? Katawatawa! Isa pa, kung may kaibigan kang barangay official, madaling makakuha ng clearance­.  Pati nga ang mga vaccination card ay puwede ring ipeke.

Hindi mo kailangang magtungo sa Recto na lugar ng mga mamemeke. Kung may scanner, printer at com­puter ka, ikaw mismo ay kaya mong makagawa ng vac­cination card. Suma total, inutil o walang silbi ang gan­yang patakaran.

Paigtingin na lang sana ng pamahalaan ang kampanya sa pagbabakuna kasabay ng paghikayat sa lahat na magpabakuna. Motivation at hindi coercion ang dapat ipatupad dahil demokrasya tayo at hindi diktadurya.

vuukle comment

NO VACCINE NO RIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with