^

PSN Opinyon

Moment of truth

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Ang problema kapag minamando ang bakuna, hindi naman mapipilit ang talagang aayaw. Mahihila ba ang bawat isang tatanggi, na parang batang umuungol at pupwersahing mainiksyunan? O tututukan ba ito ng baril at tatakutin ng parusa?

Wala naman siyang kulong o multa sa batas. Ginagawa ito sa ibang mas mahigpit na bansa. Subalit kapag dito gawin, makakatikim sila pihado ng demanda sa pag­labag sa karapatang pantao.

Sa ilang mga bansa sa Europa at Asya, ipinatutupad ang mandatory vaccination. Kung hindi man puwersahang pagbakuna ay nililimitahan ang pagkilos ng mga hindi bakunado. Nandiyan ang pagtanggal sa kanila sa trabaho, o ang pagbawal na makilahok sa ibang karaniwang gawain sa lipunan katulad ng pagpasok sa mga kainan o tindahan o salon o gym at iba pa.

Nang gawin itong patakaran sa France, 40% pa lamang ng taumbayan ang bakunado. Nagbunga ito ng katakut-takot­ na protesta mula sa mga mamamayang ayaw mapag­sabihan at ipinaglalaban ang kanilang layang makakilos. Subalit dumoble rin ang bilang ng nagpabakuna upang hindi maperwisyo.

Sa mga hurisdiksyon kung saan umabot sa hukuman­ ang debate, kinikilala ng mga mahistrado na may karapatan ang tao sa integridad ng kanilang pangangatawan. Subalit maari itong pakialaman ng estado kapag kina­kailangan para sa kalusugan at kaligtasan ng lahat. Hindi­ papayagan na sumakay lang ang mga pasaway sa pro­teksyon mula sa herd immunity ng mga nauna nang nag­paturok.

Dito ay nasa 35% pa lamang tayo kahapon sa porsi­yento ng bakunado. Subalit kitang kita na ang epekto nang malawakang pagbakuna sa pagbaba ng ating bilang ng nag­kakasakit.

Ngayong pumasok na ang mga bagong variant tulad ng Omicron, maghahabulan na nang mas mabilis pa ang bakuna at ang virus. Kaya lahat ng paraan ay iniisip na ng Gobyerno na pataasin pang lalo ang ating depensa sa pagtaas ng mga bakunado.

Kung kaya ang mahalagang datos ay kailangang maila­bas upang maunawaan ng lahat ang kanilang responsibilidad sa sarili, sa kapwa at sa lipunan nang makagawa ng desisyong nararapat.

vuukle comment

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with