^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kaligtasan ng students sa banta ng Omicron

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kaligtasan ng students sa banta ng Omicron

NAGSIMULA na kahapon ang face-to-face classes­ sa National Capital Region (NCR). Mahigit­ 2,000 estudyante ang nagbalik-klase. Kabilang sa mga nagsibalik ay mga estudyante sa ele­mentarya at senior high school. Limitado pa rin ang face-to-face classes sapagkat dalawang public schools lang sa bawat siyudad sa NCR ang pinayagan ng Department of Education (DepEd). Kapag naging matagumpay umano ang implemen­tasyon ng face-to-face classes sa NCR, maaaring ma­dag­­dagan pa ang mga public school na bubuksan. Hanggang sa tuluy-tuloy nang buksan ang iba pa at balik sa normal na lalo at patuloy sa pagbaba ang mga kaso ng COVID-19. Kahapon, mahigit 500 ang naitalang kaso ng COVID sa bansa. Sabi ng OCTA Research Group, posible pang bumaba ang kaso ng COVID bago matapos ang Disyembre.

Nagsimula ang pilot implementation ng face-to-face noong Nobyembre 15 para sa public school at Nobyembre 22 para sa pribadong eskuwelahan. Ayon sa DepEd, walang naiulat na estudyanteng nahawa ng COVID-19 kaya masasabing tagumpay ang face-to-face implementation. Ayon pa sa DepEd siniguro nila na naipatupad ang health protocol gaya ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at paggamit ng face mask. Mayroon ding sapat na tubig at sabon sa bawat comfort rooms. Kapag may naitalang kaso sa isang eskuwelahan, agad nilang ipatitigil ang implementasyon ng face-to-face classes at magsasagawa ng ebalwasyon.

Ang pagbubukas ng face-to-face classes sa NCR ay medyo nakakabahala sapagkat nagbabanta ang pagkalat ng Omicron, ang bagong variant ng CO­VID-19 na unang natuklasan sa South Africa. Bagama’t wala pa nito sa Pilipinas, naghahatid ng pangamba na baka maapektuhan ang face-to-face classes. Ayon sa report, may mga batang tinamaan na nito sa Africa, bagama’t wala pa namang naiulat na namatay.

Dapat siguruhin ng DepEd na bakunado na ang mga guro sa NCR at ganundin ang mga bata para may proteksiyon sa Omicron sakali at magkaroon nito ng surge. Kailangang maging handa ang DepEd kahit na wala pa ang variant. Kung biglang pumutok na mayroon nang Omicron sa bansa, dapat awtomatikong itigil ang face-to-face. Wala nang dili-dili pa dahil buhay ng mga bata ang nakataya.

vuukle comment

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with