^

PSN Opinyon

Sinseridad ni Ping

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PASPASAN na ang panliligaw ngayon ng mga pulitiko sa mga botante. Busy na sila sa pagpunta sa maraming lugar sa bansa kaya nalalabag na ang health protocols. Subalit wala namang magagawa ang mga kandidato dahil kagustuhan ito ng followers nila. Lahat nang pulitiko ay magaganda ang mga pangako kung sila ay papalaring manalo. Gaya ng pagsugpo sa korapsiyon at droga, pagkakaroon ng hanapbuhay, pabahay at programang pangkalusugan lalo ang may kaugnayan sa COVID-19. Walang tulak-kabigin sa presidentiables.

Ang masakit lang ay yung puspusan ang pagpunta ng isang kandidato sa maraming lugar pero hindi pa tiyak kung madidiskuwalipika o hindi ang kandidatura. May kinakaharap kasing masalimuot na kasong nakasampa  sa Commission on Election. Gaya ni Bongbong Marcos na kawing-kawing ang reklamong nakasampa sa Comelec. Hindi pa tiyak kung ano ang magiging kapalaran ni Bongbong dahil kasalukuyan pang dinidinig ang reklamo sa Comelec.

Ang pambato naman ni Digong na si Sen. Bong Go ay umatras na sa pagka-presidente dahil umano sa kahilingan ng kanyang pamilya. Hindi pa raw panahon niya. Kaya sa pag-atras ni Bong Go, katanungan ngayon kung sino ang iendorso ni Digong. Tanging si Digong ang makakasagot nito.

Kapag inihayag ni Digong ang kanyang susuportahan, mahahati ang boto ng mga oposisyon na sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Ping Lacson.  Ang boto ay maaaring mapunta sa susuportahan ni Digong.

Pero hindi dapat maging kampante kung sinuman ang kandidatong susuportahan ni Digong dahil habang papalapit ang halalan, lumalakas ang partido nina Ping Lacson at Tito Sotto. Nakikita ang sinseridad ni Ping sa pagkapresidente. Matigas ang paninindigan ni Ping na kakalusin ang mga korap, drug syndicates at mga criminal.

Noong PNP chief pa si Ping, nilumpo niya ang ­gambling lords sa buong bansa dahil sa walang humpay na pananalakay. Tinanggal niya ang mga abusadong pulis kaya bumango ang imahe ng PNP. Kaya kung papalarin si Ping, makakamtan ng taumbayan ang pagbabago na matagal na nilang inaasam. At para mas malakas ang puwersa ni Ping, isama n’yo na rin si dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar bilang senador.  Makakatulong siya ni Ping dahil action man ang taong ito.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with