^

PSN Opinyon

Mga botante sa Caloocan, ‘wag magpadala sa pangako! – Malapitan

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI na maitago ni Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice ang papel niya sa pagpalaganap ng “fake news” para siraan ang administration ni incumbent Mayor Oscar Malapitan. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang pagkalat ng apat na  miyembro ng City Council ng “fake news” na nag-akusa kay Mayor Malapitan ng corruption sa pamamagitan ng pagbili ng P318.7 milyon na tablets para gamitin ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya.

Nagsampa ng cyber libel ang kampo ni Mayor Malapitan sa San Juan prosecutor’s office kung saan napatunayan na ang apat na “tuta” ni Erice ay guilty. Maliwanag pa sa sikat ng araw na itong isyu ng corruption ay pinalaki lang ng kampo ni Erice para siraan ang kalaban niya sa pulitika, di ba mga kosa? Hihihi! Bahala na ang taga-Caloocan ang maghusga kay Erice at mga alipores n’ya sa darating na May election.

Para sa kaalaman ng taga-Caloocan, ang 66,000 piraso ng tablets ay binili para gamitin ng mga estudyante sa public schools dahil bawal ang face-to-face classes sa panahon ng pandemya. Kasi nga, ang mahigpit na tagubilin ng Department of Education (Dep-Ed) ay distant learning na para maiwasang mahawa ang kabataan ng COVID-19. Kaya ang ginawa ng city government ay bumili ng Cherry Mobile Cosmos tablets sa Cosmic Technologies inc., sa halagang P318,704,780. Ang tablets ay pumasa sa mga alituntunin ng Dep-Ed at binigyan ng green light ng Dep-Ed Caloocan. Mismooooo! Dipugaaaaa!

Kahit walang palso sa kontrata, ikinalat naman nina konsehal Christopher Malonzo, Alexander Mangasar, Ricardo Bagus at Marylou San Buenaventura alyas Marylou “Alou” Nubla na maanomalya ito at mahinang kalidad ang tablets. Ikinalat nila ang kanilang akusasyon sa social media. Pinipilit ni Erice na idistansiya ang sarili sa isyu ng mga konsehal, subalit ilan sa kanila ay kasama sa tiket niya sa Aksyon Demokratiko.

Si Malonzo ay tumatakbong vice mayor ng Aksiyon, si Bagus ay tumatakbong congressman ng 2nd ­District, si Nubla ay kalaban ni Mayor Malapitan sa pagka-congressman ng 1st District, samantalang si Echiverri ay bilang konsehal sa 3rd District. Hihihi! Bukas ang Dipuga sa panig ni Erice sa isyung ito. Mismooooo! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? 

Kaya ang panawagan ni Malapitan sa taga-Caloocan, ay kilalaning maigi ang mga kandidato at ‘wag basta-basta magpadala sa pangako. Kasi kapag nagkamali sila ng pili, aba tatlong taon din silang magsisisi! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with