^

PSN Opinyon

Sino ang ieendorso ni President Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MANOK na walang ulo ang katulad ngayon ng PDP-Laban nang umatras si Sen. Christopher Bong Go sa kanyang Presidential candidacy. Hindi pa pormal na hinuhugot ng senador ang kanyang COC sa Comelec kaya may mga espekulasyon na baka magbago pa ang isip niya. 

Palagay ko ay hindi na. Maugong kasi ang balita na mag-eendorso na ng ibang presidential bet ang Pangulo. Siya kasi ang titular head ng PDP-Laban at tungkulin niyang humirang ng pambato ng partido.  

Siguradong maraming presidentiable ang umaasa ng bendisyon ng Presidente. Sabi nga ng mga presidential contenders na sina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Pacquiao, malugod nilang tatanggapin ang Presidential endorsement. 

Aba’y natural namang tanggapin ng kahit sino ang presidential blessing kahit si VP Leni. Sabi nga, politics is addition. Hanggat maraming suporta at pag-endorso, lalong mabuti. Pero sino kaya?  

Imposibleng si Bongbong Marcos dahil nauna na niyang inalipusta ito nang tawagin niyang cocaine addict at mahinang leader. 

Samantala, isang panibagong petisyon ang iniharap sa Comelec ng grupong Akbayan para sa diskuwalipikasyon ni Marcos dahil convicted umano sa salang tax evasion.  Kasabay nito, may mga supporters pa rin si Senator Go na nagtipon dala-dala ang mga placards na humihimok sa senador na huwag ituloy ang pag-atras sa laban. 

Ito siguro ang batayan ng mga may hinalang magbabago pa rin ang isip ni Go.  Totoong nakalilito ang mga nangyayari ngayon sa pulitika kaya abangan na lang ang mga susunod na mangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with