^

PSN Opinyon

Bong Go masunuring ‘anak’ kay Digong

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Matindi ang loyalty ni Sen. Bong Go sa kanyang itinuturing na Tatay na si Presidente Duterte. Pinatakbo siya sa pagka-pangulo sa bandila ng PDP-Laban at sumunod siya. Subok at taga sa panahon ang katapatan ng senador kay Duterte.

Sabi ni Go, hindi pa siya handa sa panguluhan at ayaw niyang maging pabigat kay Duterte. Paano siya magiging pabigat kung ang Pangulo mismo ang nag-utos sa kanya na kumandidato sa Presidency? Ano ang malalim na dahilan ng kanyang pag-atras?

Isinuka na kuno ni Duterte si Bongbong Marcos nang tawagin siya ng Pangulo na mahinang leader, spoiled brat at cocaine addict. Totoo kaya sa loob ni Duterte ‘yan o isa lamang political gimmick para lalong maging underdog si BBM?

Nasabi ko ito dahil tila lalong lumalakas ang popularidad ni BBM at dumarami naman ang nagagalit kay Duterte na dating sumusuporta sa kanya dahil sa kanyang pahayag. Nakapagtataka kasi na matapos lang ang ilang araw nakalipas niyang iendorso si Bong Go, biglang nagkaroon ng pagbabago sa political scenario.

Ang tanong, mag-eendorso ba ng bagong manok si Duterte bilang standard bearer ng PDP-Laban? Habang isinusulat ko ito, may mga nagsasabing baka si Manila Mayor Isko Moreno o si Sen. Manny Pacquiao. Tingin ko maraming umaasang Presidential wannabe ngayon sa pag-endorse ni Duterte.

Tingin ko naman, baka may iba pang presidentiable na aatras sa kung anumang dahilan para ang suporta para sa kanila ay mapunta kay BBM. Dapat magsuring mabuti ang bawat mamamayan at huwag magpatangay sa political gimmicks. Bumoto ng may talino.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with