^

PSN Opinyon

Bagong variant naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Sa pagbaba ng bilang ng mga kaso sa buong bansa, partikular sa Metro Manila kung saan ang malaking por­syento ng populasyon ay nakatanggap ng isang bakuna, ang mga paghihigpit ay lalong lumuwag. Nasa Alert Level 2 na ngayon ang NCR kaya naman nakikita natin ngayon ang napakaraming tao, kabilang ang mga bata, na dumadagsa sa mga malls at iba pang komersiyal na lugar.

Kapansin-pansing bumalik ang trapiko. Bumalik na rin ang mga pampublikong sasakyan kasama ang kanilang masamang bisyo sa pagmamaneho at pagsakay ng pasa­hero. Parang unti-unting bumabalik sa normal ang buhay habang papalapit na ang kapaskuhan. Mukhang magiging mas masaya ang Pasko ngayong taon.

Pero may bagong variant na nadiskubre sa South Africa, ang Omicron, na ikinababahala ng WHO. Sa kasa­lukuyan ay nadiskubre na rin ang Omicron variant sa ibang bansa. May mga bansang nagpatupad muli ng travel ban mula sa mga bansang may Omicron variant.

Pero ayon kay Dr. Peter Hotez, Propesor at Dean ng Tropical Medicine, Baylor College of Medicine, ang mas mahalaga kaysa sa mga travel ban ay ang mabakunahan ang mga tao. Lumalabas ang mga variant na ito mula sa mga hindi nabakunahan. Ang Delta variant ay nagmula sa mga hindi nabakunahan na populasyon sa India, at ngayon ay Omicron mula sa South Africa.

Hindi pa alam kung ano ang epekto ng Omicron variant sa mga kasalukuyang bakuna. Ngunit binibigyang-diin ni Dr. Hotez na kailangang madala ang mga bakuna sa mga bansang may mababang bilang ng mga nabakunahan.

Ang Delta variant pa rin ang kailangang tugunan lalo na’t tila bumagal na ang pagbabakuna. Baka ang mga na­iwan ay ang mga labis na kontra sa bakuna tulad ng nakikita natin sa US. Ang datos mula sa ourworldindata.org/covid-vaccinations ay nasa 66% pa lang ang bakunado sa US. Kabalintunaan nga at sa US pa galing ang dalawang magandang bakuna.

Ang Europa ay nakararaanas ng pagtaas sa mga kaso kung saan pinag-iisipang maging mahigpit muli ang ilang bansa na nagbubunsod ng mga protesta. Sa bansa, makikita sa website ng DOH na nasa 35 milyon ang nakatanggap ng pangalawang dosis. Malayo pa sa pagkamit ng herd immunity. Nagkakaroon pa ng kakapusan ngayon ng heringgilya.

Ang gobyerno ay nagpataw ng pansamantalang pagsususpinde ng mga lipad mula sa pitong bansa sa Africa hanggang Disyembre 15. May mga panawagan na isama ang Hong Kong at Israel na makaaapekto sa paglalakbay ng mga overseas worker. Hinihimok ang mas mahigpit na kontrol sa pagpasok ng mga tao para hindi maulit ang nangyari noong nagsisimula pa lang ang pandemya.

Kung sa mga pag-aaral ay ipinakikita na ang omicron variant ay nakamamatay tulad ng Delta, kasama ang mga pag-aaral ng epekto sa mga kasalukuyang bakuna, malaking problema ito para sa mundo. Tila hindi pinapayagan ng COVID na maging normal na ang mga buhay natin.

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with