^

PSN Opinyon

Magpabakuna na para maging ligtas

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IBINALIK na kahapon ang number coding sa Metro Manila. Sabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ang number coding ay ipatutupad tuwing alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi. Ayon kay Abalos, ito ang tamang sulusyon upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ang mga pampublikong sasakyan ay hindi kasama sa number coding. Kailangang maisakay ang mga pasaherong nag-aabang sa kalye upang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan. Ang pagbabalik ng number coding ay sinang-ayunan naman ng Metro Manila mayors.

Samantala, puspusan ang paglilibot ng mga local government units (LGUs) upang hikayatin ang kanilang constituents na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon sa COVID-19. Ang mga ambulansya ng LGUs ay naglilibot sa mga barangay upang hakutin ang mga taong nais magpabakuna. May mga insintibong ipinagkakaloob ang LGUs sa mga nagpabakuna  gaya ng gift goods at ang iba ay may pa-raffle pa.

Pagtugon ito sa programa ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Department of Health (DOH) upang mabakunahan ang milyun-milyong Pilipino. Kaya huwag na kayong magpatumpik-tumpik sa pagpapabakuna para magkaroon ng proteksiyon sa COVID-19.

Lalo pa ngayon na may bagong COVID variant na tina­­tawag na Omicron na nagmula sa Africa. Mas matindi umano ang variant na ito kaysa sa Delta variant. Kaya huwag nang magdalawang isip na magpabakuna.

Kamakailan, sinabi ni President Duterte na huwag tang­gapin­ ng mga kompanya ang mga empleyado na walang bakuna. Bagamat labag ito sa batas, mas mainam naman na bakunado ang lahat upang may proteksyon sa CO­VID-19 at para hindi na makapanghawa. Kaya magpabakuna na upang maging ligtas sa virus at may sorpresa pang regalo sa inyo ang LGUs. Tatagal ang vaccination hanggang bukas (Disyembre 1) at mayroon pang kasunod.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with