^

PSN Opinyon

Bonifacio pamantayan ng bayani; alamin ang mga totoong traydor

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAPAGPATAWAD ang Pilipino sa mga traydor sa kalayaan. Hinayaang umasenso ang buhay nila imbis na parusahan. Kulaboretor sa Kastila si Pedro Paterno, dating tagapayo ni Emilio Aguinaldo; naging editor ng diyaryo. Si Dominador Gomez, na nagsuplong kay Macario Sakay sa Amerikano, ay naging mambabatas. Si Manuel Roxas, na humawak ng tatlong puwesto nu’ng Japanese occupation, ay tinulungan ni Gen. Douglas MacArthur mag-presidente. Si Benigno Aquino Sr., hepe ng solo partido Kalibapi nu’ng Panahon ng Hapon, ay sa sabungan imbes sa piitan inatake sa puso at namatay, habang nililitis ng war crimes. Pinalaya sina Japanese puppet president Jose P. Laurel at executive secretary Jorge Vargas. Balik Kongreso si Claro M. Recto. Pinasya ni war crimes prosecutor Lorenzo Tañada nu’ng 1947 na hindi otomatikong traydor ang kulaboretor kung walang utang na dugo. Kaya nagkaroon pa sila ng mga rebulto, at ipinangalan sa kanila ang mga kalye at bayan.

Samantala, naghirap ang mga tunay na bayani. Namatay si Apolinario Mabini sa TB sa isang kubo sa Nagtahan, Manila, matapos makauwing buto’t balat mula exile ng mga Amerikano. Malamya ang paggunita kina Heneral Antonio Luna, unang hepe ng Sandatahang Lakas; at kay Chief Justice Jose Abad Santos na pinugutan dahil ayaw humalik sa bandila ng Hapon. Konti ang may alam na si Wenceslao Vinzons, U.P. student leader, kongresista at gobernador, ay naggerilya kontra Hapones sa Bicol; nalipol ang pamilya niya.

Maling nilalarawan na ignorante si Andres Bonifacio na naka-kamisa de chino at pulang pajama na nagbuhat ng bolo kontra Kastila. Sa totoo, nakapag-aral siya kaya clerk sa Manila Port at makata.

Walang pinagkaiba ang maka-Beijing na opisyales ngayon: minamaliit sina Antonio Carpio at Albert del Rosario na tumutuligsa sa pambubusabos ng Komunistang China sa West Philippine Sea.

Ibahin na natin: iangat ang mga bayani; ibagsak ang mga traydor.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with