^

PSN Opinyon

Patuloy ang tulong ng Malasakit centers

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko na mabilang ang mga lumalapit at nagpapatulong kung paano sila makaka-access sa Malasakit Center dahil malaki na ang bill nila sa ospital. Marami ang walang kakayahan sa mga gastusin sa buhay lalo na sa bayaran ng hospital bills.

Napakarami na sa ating mga kababayan na naka-avail ng serbisyo ng Malasakit center na isang one-stop shop, kung saan lahat ng ahensiya ng gobyerno ay mahihingian ng tulong para sa charity cases.

Para maka-avail ng serbisyo ng Malasakit Center, i-submit lang ang mga kinakailangang dokumento kagaya ng final bill at medical abstract ng pasyente. Karamihan sa mga lumalapit ay nagkaroon ng zero-bill at wala nang babayaran.

Kaya malaking tulong nga ang Malasakit centers na ngayon ay may bilang na 149 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kung tutuusin wala namang pinipiling kulay o paniniwala o pulitika  ang mga tinutulungan ng Malasakit centers.

Sinimulan ni President Duterte at Senator Bong Go ang pagtatalaga ng Malasakit centers dahil sa naging karanasan nila sa Davao City na sa dami ng lumalapit sa kanila ng tulong para sa medical purposes.

Hindi pera ni President Duterte at ni Senator Go ang nilalabas na ayuda ng mga ahensiya ng pamahalaan dahil pera yan ng mga Pilipino – pera nating mga Pilipino.

Ang nangyayari lang ay sinisiguro lang ng Malasakit centers na nakakarating ang tulong sa mga nangangailangan maging sinumang Pilipino.

Ito ay upang may access ang mamamayan sa serbisyong medikal na nararapat sa atin.

vuukle comment

MALASAKIT CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with