^

PSN Opinyon

Kabayan, bakit umatras sa senatorial race?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nang biglang mag-file ng COC ang beteranong broadcaster na si Noli de Castro upang tumakbo bilang senador ng Aksyon Demokratiko, hindi na ako nagtaka. Natuklaw na ng tinatawag na political bug si Kabayan kaya mahirap nang awatin sa larangan ng pulitika.

Katunayan, nag-file siya ng kanyang COC nung Biyernes (October 8) na deadline ng filing ng COC. Pero naglipat-araw lang, bigla siyang umatras at nagsabing mananatili na lang siyang broadcaster. Kaya nagtaka ako at ang ma­rami pang Pilipinong nag-aabang sa kanyang political comeback.

Sabagay, minsan nang naranasan ni Kabayan ang magsilbing senador at Bise Presidente nang si Gloria Macapagal-Arroyo pa ang Presidente. Matatawag marahil na glamorous ang mataas na posisyon pero ang mga kontrobersiyang kaakibat nito na maaaring dumurog sa reputasyon ng taong sumawsaw sa pulitika.

Sumali si Kabayan sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno dahil bilib siya sa performance nito bilang mayor ng Maynila. Kaya marami ang nagtaka nang bigla na lang siyang umurong.

Lahat nang pulitiko ay nakakapitan ng putik at hindi nakailag diyan kahit pa si Kabayang Noli. Siya ang itina­lagang housing czar nang siya ay Bise Presidente pa at nakaladkad ang kanyang pangalan sa P7 bilyon Globe Asiatique scandal ni Delfin Lee. Mukhang ang multong iyon ng political past ni Kabayan ang naging dahilan para manahimik na lang sa pulitika.

Tamang katuwiran na kung pinapahalagahan mo ang iyong pangalan, mas mabuti pang lumayo na lang sa pulitika dahil wala pa tayong nakitang dumikit sa kawali na hindi naulingan. Isa pa, iba na  ang panahon ngayon, lalo na at may social media na kung saan talagang mahahalungkat ang lahat.

Korek yang desisyon mo, at baka talagang mas mainam na sa broadcasting ka na lang manatili.

vuukle comment

COC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with