^

PSN Opinyon

Balewala na si Sec. Duque?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nagngingitngit si Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III sa Inter-Agency Task Force (IATF) matapos na ipatupad ang maluwag na healthy restriction sa overseas Filipino workers (OFWs) na dumarating sa bansa.

Ayon kay Duque hindi man lang siya kinunsulta ng mga ito bago ipatupad ang ‘‘no quarantine status’’ sa OFWs na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Bagamat bumababa na ang kaso ng COVID sa National Capital Region (NCR) hindi pa dapat na maging kampante ang lahat ng ahensiya sa pagbibigay ng kaluwagan.

Lumalabas na balewala na lamang si Duque sa admi­nistrasyon ni President Duterte? Dapat nang mag-isip si Duque kung balewala na siya. Dapat na lumisan na lamang siya upang makaiwas siya sa galit ng taumbayan kapag muling sumipa na naman ang kaso ng COVID na dala ng mga balikbayan.

Nang unang pumutok ang COVID-19 noong 2020, ang sinisi ng taumbayan ay ang kabagalan ni Duque sa paghihigpit sa mga dayuhan na nagmumula sa China. Bumilis ang pagkalat ng virus na hanggang ngayon ay patuloy na nilulutas ng pamahalaang Duterte sa pamamagitan ng pangungutang upang makabili ng bakuna. Ngunit ngayong inilarga na naman ng IATF ang pagluluwag sa health protocols sa mga balikbayan baka dumami na naman ang kaso. Balewala na nga siguro si Duque sa Gabinete ni Digong. Ano sa tingin n’yo?

* * *

Anim na holdaper ang napatay ng Highway Patrol Group at Antipolo City police sa Bgy. San Jose, Boso-Boso Resort, Antipolo City noong Huwebes. Balak hol­dapin ng mga suspek na nakasakay sa kotse at motorsiklo ang isang gasolinahan pero dumating ang HPG. Bumaba ang isang HPG operative sa mobile car para lapitan ang Rio Sedan na naka-park sa gilid ng gasoline station pero pinapatukan agad ang pulis kasabay nang pagharurot nito kasunod ang riding-in-tandem. Hinabol ito ng mga HPG at nagbarilan hanggang napatay ang mga suspek.

Ayon sa Highway Patrol Group-Task Force Limbas at Antipolo Police ilang araw na nilang minamanmanan ang grupo na nambibiktima ng mga gasoline station at convinience store. Sangkot ang grupo sa holdapan sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal at Metro Manila.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with