^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Masalimuot na isyu sa face shield

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Masalimuot na isyu sa face shield

NOONG nakaraang linggo, inihayag ni President­ Duterte na puwede nang huwag mag-face shield sa labas ng tahanan o mga gusali at lilimitahan na lang ang paggamit sa tinatawag na 3Cs (closed, crowded, close contact). Ayon sa Presidente kapag may mga pagdikit-dikit o crowded ang mga tao sa lugar, kaila­ngan ang pagsusuot ng face shield. Halimbawa ay sa mga indoor establishment, sa mga pampublikong sasakyan at mass gatherings, kailangan pa rin ang face shield.

Sabi ng Presidente kaya niya iniutos muli ang pagsusuot ng face shield noon ay dahil naka­katu­long din ito kahit paano para maiwasan ang virus. Sabi naman ng IATF, maglalabas sila ng mga bagong patakaran sa pagsusuot ng face shield. Nagpaalala naman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na habang naghahanda sa bagong patakaran, dalhin pa rin ng mamamayan ang kani­lang face shield dahil nakakatulong ito para maproteksi­yunan sa virus.

Habang unti-unti nang inaalis sa katawan ng mama­­mayan ang face shield, lumalawak naman ang kon­tro­bersiya sa face shield na ipinamahagi ng Pharmally Pharmaceutical Corp. sa Department of Health (DOH). Patuloy ang pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee sa Pharmally kaugnay sa bilyong pisong COVID-19 supply contracts. Sa pagdinig ng Senado noong Biyernes, inamin ng isang Pharmally official na pinapalitan nila ng expiry dates ang face shields para magmukhang bago at saka idedeliber sa DOH.

Sabi ni Krizie Grace Mago, inutusan siya ni Mohit­ Dargani, corporate treasurer at secretary para i-tam­­pered ang expiration date ng mga face shield mula sa 2020 ay gawin itong 2021. Ayon kay Mago, naniniwala siyang panloloko ang kanilang ginawa. Kama­kalawa, inihayag naman ni Senate Blue Ribbon com­mittee chairman Richard Gordon sa radio inter­view na hindi na nila makontak si Mago. Wala na umano ito sa tinitirahang condo.

Habang tumatagal, lumalalim, lumalawak at nagi­ging masalimuot ang kasong kinasasangkutan ng Pharmally. Ngayong nabatid na may ginagawa palang pag-tampered sa expiry dates ng face shield, dapat laliman pa ang imbestigasyon. Pagkaraang kumita ng kompanya ng bilyong piso sa pamahalaan ganito pala ang kanilang ginagawa. Laliman pa ang imbestigasyon dahil pera ng taumbayan ang sangkot. Ma­aaring hindi lang face shield ang tina-tampered ng Pharmally.

vuukle comment

FACE SHIELD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with