^

PSN Opinyon

Sobrang interes

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

MAARI bang basta taasan na lang ng banko ang interes sa utang kahit hindi sumang-ayon ang umutang? Ito ang sasagutin sa kaso nina Linda at Carlos.

 Noong January 16, 1975 pumirma sina Linda at Carlos sa isang promissory note (PN) pabor sa isang banko para sa utang nilang P188,000. Isinangla rin nila ang kanilang apat na parselang lupa bilang garantiya sa pagkakautang.

Sa nasabing PN at Real Estate Mortgage (REM) na­ngako sina Linda at Carlos na babayaran ang kanilang utang buwan-buwan sa loob ng 19 taon na may interest na 12 percent per annum. Sa mga nasabing dokumento, isinasaad din na kusang maitataas ng banko ang interes ng hindi hihigit sa hangganang itinatag ng batas.

Isang taon makaraang pumirma ang mag-asawa sa utang, nagpalabas ang Central Bank ng sirkular (CB Circular 494) kung saan binigyan ng kapangyarihan ang mga banko na itaas ang interes sa pautang nila nang hindi hihigit sa 19 percent per annum kapag ang takdang panahong dapat bayaran ito’y lampas ng dalawang taon.

Batay sa sirkular na ito, tinaasan ng banko ang interes ng utang nina Linda at Carlos sa 17 percent per annum. Kaya noong pumalya na sila sa paghuhulog ng buwanang bayad umabot na ng P284,490.75 ang kanilang utang. Dahil dito, inilit ng banko noong Abril 3, 1979 ang mga isinangla nilang lupa.

Ayon kina Linda at Carlos, sobra raw ang interes na ipinatong sa kanila. 12 percent per annum lang daw ang kanilang pinagkasunduan. Kaya dapat bayaran pa sila ng banko ng P126,139.

Sagot naman ng banko, na ayon daw sa PN at REM na pinirmahan nina Linda at Carlos, may kapangyarihan silang itaas ang interes kapag may batas na napasa tungkol dito tulad ng sirkular 494 ng Central Bank. Tama ba ang banko?

MALI. Bagama’t legal ang kasunduan nina Linda at Carlos at ng banko tungkol sa pagtaas ng interes, wala namang batas na ipinasa pa noong itaas ng banko ang interes. Ang sirkular ng CB 494 ay hindi isang batas at walang puwersa at bisa ng isang batas. Nagkaroon lang ng batas noong March 17, 1980 o pagkaraan lang na ma­itaas na ng banko ang interes. Kaya ito’y hindi maaaring magamit sa utang nina Linda at Carlos.

At ayon pa sa nasabing batas, kailangan daw na isaad sa PN o dokumento ng pagkakautang hindi lamang ang pagtaas ng interes kundi ang pagbaba nito kapag binabaan din ng batas ang interes. Ang pinirmahan nina Carlos at Linda ay tungkol lang sa pagtaas ng interes. Kaya ito’y hindi rin ayon sa batas.

Samakatuwid, dapat ibalik ng banko kina Linda at Carlos ang halagang P126,139 na may interes na 12 percent­ (Banco Filipino vs Court of Appeals et. al., G.R. No. 129227, May 30, 2000).

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with