^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Palayasin, POGOs na ‘di-nagbabayad ng buwis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Palayasin, POGOs na �di-nagbabayad ng buwis

Maraming Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na hindi nagbabayad ng buwis sa pama­halaan. Sabi ng Commission on Audit (COA), umaabot sa P1.3 bilyon ang dapat bayaran ng may 15 POGOs. At sabi ng COA ang Philippine Amusement and Gaming­ Corporations (Pagcor) ang dapat manguna sa panini­ngil sa POGOs. Mula pa 2017 hindi nagbabayad ng buwis­ ang POGOs.

Noong nakaraang linggo, nilagdaan na ni President Duterte ang Republic Act 11590 na nagpapataw ng karagdagang buwis sa POGOs. Ang malilikom na buwis sa POGOs ay makakatulong sa programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pandemya. Inaasahan na makakalikom nang malaking buwis sa POGOs.

Napapanahon ang batas na ito pero dapat singilin muna ang mga delinquent POGOs sa hindi nababayarang buwis. Ngayong may bagong batas na nagpapataw ng karagdagang buwis, baka magpatung-patong at hind lalo makabayad ang mga delinkuwente.

Ayon pa sa 2020 audit report, lumipas na ang tatlong taon pero hindi nagbabayad ang 15 POGOs at walang ibang napagkaitan dito kundi ang Pagcor mismo. Saan anila kumukuha ang Pagcor ng pantustos sa kanilang operasyon kung hindi nagbabayad ang POGOs. Dapat maging maigting ang Pagcor sa paniningil sa POGOs.

Nalaman din ng COA na walong POGOs na ang nakansela ang lisensiya dahil sa pagiging delinkuwente pero patuloy pa rin ang operasyon. Patuloy na kumikita sa kabila na wala nang lisensiya.

Nakapagtataka kung bakit hinahayaan ng Pagcor na makapag-operate pa ang mga inalisan ng lisensiya. Maaaring hindi lamang walo ang patuloy na nag-oope­rate kahit walang lisensiya. Maaring hindi rin nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga POGOs. Nakarehistro nga sila sa Pagcor pero hindi sa BIR. Malaking pera kung ganun ang nananakaw ng POGOs dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Sabi ng pamahalaan, ang ibinabayad na tax ng online gambling operators ang ginagamit para mapondohan ang mga proyekto ng gobyerno lalo na ang “Build, Build, Build, Program”. Pero ngayong marami pala ang hindi nagbabayad paano ang programa? Paano matatapos kung mga delinkuwente sa pagbabayad.

Ngayong may bagong batas na nagpapataw ng karagdagang buwis sa POGOs, lalong dapat maging masikhay ang Pagcor sa paniningil. Kung hindi maka­bayad, i-blacklist na at palayasin.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with