^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Yellow marking sa may COVID

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Yellow marking sa may COVID

MAY bahid ng diskriminasyon at pagpapahiya ang ipinatutupad na patakaran sa bayan ng Pateros kung saan lalagyan ng yellow marking ang mga bahay na ang naninirahan ay nagpositibo sa COVID-19. Ang patakaran ay ipinag-utos ni Pateros Mayor Miguel Ponce III noong nakaraang linggo sa mga lugar na nasa granular lockdown. Ayon sa mayor ay upang madaling ma-monitor at mailagay sa isolation ang mga residenteng infected. Paraan din ito para madaling maabutan ng ayuda at essential goods ang mga apektadong pamilya. Ang mga barangay captains ang maglalagay ng dilaw na ribbon­ sa mga bahay na may COVID positive.

Noong Linggo, nakasaad sa Facebook page ng mayor na boluntaryo ang yellow tag policy sa mga bahay na may nakatirang COVID positive. Hindi raw puwersahan. Kung ayaw daw ng may-ari ng bahay ay hindi raw pipilitin. Idinagdag pa sa FB post na hindi naman daw dapat ikahiya kung COVID positive.

Ang paglalagay ng ribbon sa bahay na ang nani­nirahan ay COVID positive ay panghihiya. Sino ba naman ang gugusto na ang bahay ay lagyan ng marka para ipamukhang may COVID. Maituturing na diskriminasyon dahil inihihiwalay sila sa karamihan. Hindi maganda ang epekto nito.

Paglabag din ito sa karapatang pantao. Mapapahiya ang mga nakatira sa bahay na may nakatali na yellow ribbon sa kanilang gate. Masaklap para sa kanila sapagkat tinamaan ka na ng virus ay ipagbabanduhan pa ito. Nagdaranas na nga ng hirap dahil­ sa virus ay ipagsisigawan pa. Hindi naman tama ang paglalagay ng yellow marking. At sino naman ang papayag na magboluntaryong magpalagay ng yellow­ marking sa bahay?

Pinakamagandang magagawa ay buhusan ng tulong ang mga nasa granular lockdown. Bigyan ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.

Higit sa lahat paigtingin ang pagbabakuna sa residente hanggang sa maabot ang herd immunity. Ito ang pinakamagandang paraan para maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng virus. Kung bakunado na lahat, uusad ang ekonomiya at wala nang sagabal sa paggalaw sa komunidad.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with