^

PSN Opinyon

Yorme-Doc Willie tandem nakakasorpresa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nasorpresa sa biglaang pagdedeklara nina Manila Mayor Isko Moreno at ng ating kolumnistang si Willie Ong ng kanilang kandidatura sa pagka-Presidente at Bise Presidente.

Kahit bata pa si Isko, hindi na siya matatawag na neo­phyte sa pulitika dahil nakapagsilbi na bilang konsehal ng Maynila at ngayon ay mayor ng nasabing lungsod. 

Si Doc Willie naman ay wala pang muwang sa puli­tika bagama’t hindi pinalad na lumusot nang kumandidato sa pagka-senador sa ticket ni Presidente Duterte noong 2016. Pero ang bentahe ni Doc Willie ay ang kanyang sin­seridad na maglingkod sa mamamayan. Nakita ito sa mga free medical health mission na isinasagawa niya at ng kanyang asawang si Doc. Liza kahit na noong araw pa.

Mantakin n’yo namang nag-aral ng medisina sa loob ng mahabang panahon at naging cardiologist para lamang ipaglingkod ang kanyang kakayahan ng libre. Matalik siyang kaibigan ng ating CEO na si Miguel G. Belmonte dahil dating magkaklase sa Xavier School.

Pero humanga ako sa kanyang kababaang loob dahil kahit puwede siyang dumirekta kay Boss Miguel para magkaroon ng column slot sa PSN, tinawagan niya ako noon bilang respeto sa aking pagka-editor-in-chief noon para mag-apply. 

Mahigit nang isang dekada ang nakararaan at ang kolum ni Doc Willie sa ating pahayagan ay isa sa nangu­ngu­nang tinatangkilik ng readers. Kaya parehong young blood ang tambalang Isko-Willie na puwedeng ikonsidera. Ano sa palagay n’yo?

vuukle comment

ISKO MORENO

WILLIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with