^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag magmadali sa face-to-face classes

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Huwag magmadali sa face-to-face classes

Tama ang sinabi ng isang grupo ng teachers na hintayin na muna ang isang taon bago magkaroon ng face-to-face classes. Sa ngayon, delikado pa kung magkakaroon ng face-to-face kahit pa sabi­hing gagawin iyon sa low risk area o sa mababa ang kaso ng COVID-19. Isa pa, marami sa mga guro ang hindi pa bakunado at ganundin ang mga bata.

Noong Lunes, sinabi ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon na ng face-to-face classes sa 120 eskuwelahan makaraang pumayag si President Duterte, ganunman, gagawin lamang ito sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19. Sa 120 school na kasali sa face-to-face, 20 rito ang pribado. Hindi pa alam kung kailan sisimulan ang face-to-face classes.

Nakakapagtaka naman kung bakit masidhi ang pagnanais ng DepEd na magkaroon na ng face-to-face gayung kasagsagan pa ng pagdami ng kaso ng COVID. Kahit ba sabihing sa mga lugar na mababa ang COVID ito gagawin, walang kaseguruhan kung hindi magbabago ang dami ng kaso sa lugar.

Ayon naman kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang mga lalahok na school sa face-to-face ay nararapat pumasa sa safety assessment ng DepEd. Kina­kailangan din na may pahintulot ng lokal na pamahalaan ang pagsali ng school. Kailangan din na mayroong sulat mula sa magulang ng estudyante na pumapayag siyang pumasok muli sa school ang kanilang mga anak. Sabi pa ng DepEd secretary, kailangang may sapat na pasilidad ng mga paaralan para magpatupad ng mga health protocol. Kapag daw sa lugar ay may hawahan, posibleng itigil ang face-to-face.

Dalawang beses nang sinansala ni President Duterte ang pagdaraos ng face-to-face classes dahil ayon sa kanya, ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay ng mga bata. Magtiis na lang muna sa distant learning. Pero bakit ngayon, pumapayag na siya? Nasaan na ang pag-aalala niya sa kalusugan ng mga bata? Noong nakaraang buwan, maraming bata ang naospital nang tamaan ng COVID.

Mas maganda kung ituloy ang face-to-face kung bakunado na lahat. Kung gagawin ngayon, posibleng ang maka-face-to-face ng mga bata ay virus. Nasu­bukan na ang online classes at pamamahagi ng printed­ modules kaya ito na muna ang paigtingin.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with