^

PSN Opinyon

Huwag silang pangalanan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG martial law, na pinataw ni Ferdinand Marcos sa araw na ito 49 na taon na ang nakararaan, bawal siya at si First Lady Imelda batikusin. Mala-diyos at diyosa ang imahe nila sa publiko. Sinumang nagkukuwento ng kanilang pang-aapi at pangungurakot ay kinukulong, pinahihirapan, pinapatay. Sa mga umpukang pamilya at barkada, kapag paksa ng usapan ang Mag-Asawang Diktador, kumakatok muna sa mesa, nagsasabing “wala sanang bugging device dito,” at saka ibubulong ang impormasyon.

Sa China ngayon bawal ding bumigkas ng negatibo tungkol kay President Xi Jinping. Miski patalinhaga ay ma­aring ikapahamak. Nu’ng Mayo nag-post sa social media account si tech tycoon Wang Xing ng sinaunang tula na protesta laban sa emperador ng Qin Dynasty nu’ng ika-9 na siglo. Pinakahulugan ‘yon ng mga komunistang censors na banat kay President Xi. Agad tinanggal ni Wang ang post. Pero bumagsak nang $26 bilyon ang halaga ng kompanya niya sa stock market. Nauna ru’n pinatahimik ang pinaka-mayamang Chinese na si Jack Ma nang punahin ang mga patakarang pampinansiya ng gobyerno. Kapag nag-uusap ang magkakapamilya at barkada tungkol kay Xi, sinasabi nila ay “Panganay na Kuya” o “Kataas-taasan” o “Numero Uno”. Milyun-milyong dissident na ang kinulong at pinatay sa Xinjiang, Tibet, Inner Mongolia at Hong Kong. Ayaw nilang matulad sa sinapit ng iba.

Balik sa Pilipinas, maraming nagpapalagay na mala-Marcos at -Xi si President Rody Duterte. Dahil sa rami ng pinatay sa kanyang madugong drug war at ng human rights lawyers, sa paghahabla sa mga pumipitik sa kanya online, at red-tagging o pagbansag na “komunista” sa mga kritiko, naka-code ang mga patutsada sa kanya. “Si Tatay” o “Si Dutz” ang turing sa kanya online, para ‘di mahalata ng DDS trolls.

May mga pinuno sa sadyang pakay na katakutan sila. Meron naman iba na sinisikap na mahalin at hangaan sila ng taumbayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with