^

PSN Opinyon

Awat na, taob na ang lamesa!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Walang overpricing sa pagbili ng mga kagamitan para sa pandemyang COVID-19. Mismong Commission on Audit (COA) na ang nagsabi.

Taliwas sa suspetsa’t pagdududa ng Senate Blue Ribbon Committee ni Sen. Dick Gordon at mga alipores nito sa Senado.

Unang sampal ito ng COA sa Senate Blue Ribbon Committee ni Gordon.

Ikalawang sampal,  nilinaw ng COA na hindi nila trabaho ang mag-imbestiga ng anumang isyu ng korap­syon, katiwalian at iregularidad sa anumang transaksiyon ng gobyerno. Trabaho nila, mag-audit lamang.

Ang siste, ayaw tumigil ng Senate Blue Ribbon Com­mittee sa kanilang pagiging praning. Kahit kahiya-hiya na, sige pa rin.

Sa kabila ng paglilinaw ng COA, ayaw pa ring magpa­awat nina Sen. Ping Lacson, Sen. Franklin Drilon at Sen. Leila De Lima. Eto ba ang tinatawag na “in aid of legislation?”

Aminin na kasi, bumaliktad na ang mesa. Napapahiya na dahil pumalpak ang Senate Blue Ribbon Committee, big time! Unfiltered!

Hindi ba’t nitong mga nakaraang buwan ay puring-puri n’yo ang COA? O ngayong nagsalita na ang COA, kino­kontra pa rin ng mga ito!

Ang ibang may kulay na media, nililihis ang isyu. Hindi na hinihimay ang sinasabi ng COA, bagkus ‘yung personal na tiradahan na ang pinalalawak.

Eto ha, sa gitna ng malinaw na pahayag ng COA na wala silang nakitang overpricing, pinagpipilitan naman ng mga senador na ‘to na manghimasok ang Ombudsman.

Sandali lamang, kung ang COA na mismo ay walang nakitang overpricing, papaano at saan papasok ang “motu propio” Ombudsman?

Basura n’yo, linisin n’yo diyan sa Senate Blue Ribbon Committee. ‘Wag n’yong ipasa sa Ombudsman o sa COA.

Hindi ba parang nakakahiya na ‘to? Sa sobrang tataba ng utak kasi, lumalala ang kapraningan. Tumitindi ang suspetsa at pagdududa.

Puwede ba, tigilan n’yo na nga ‘yan!

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with