^

PSN Opinyon

P9.5-B pondo ng DOTr bakit ayaw gastusin?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NITONG nakalipas na mga araw, nagsagawa ng kilos pro­testa ang mga kaawa-awang driver at operators ng pampublikong transportasyon na nawalan ng hanapbuhay mula nang tumama ang pandemya sa bansa. Nalimutan ang pangako sa kanila na mabigyan ng suporta upang masagip sila sa kagutuman.

Hindi ito nakaligtas kay Sen. Grace Poe. Ayon kay Poe, mayroong P9.5 bilyong Bayanihan funds ang Department of Transportation (DOTr). Inilaan ito ng pamahalaan para mabigyan ng tulong ang mga manggagawa sa transport sectors. Ang nakakapagtaka, bakit hindi ito ginagastos ng DOTr at hinayaan na lang ang mga drayber na walang pangtutustos sa kanilang mga pamilya.

Ano pang saysay ng pera kung hindi rin naman gagas­tusin? Sino ba naman ang hindi mapapabuntung-hininga na lang dito at sabihin na walang saysay ang mga taong gobyerno dahil hindi kayang gawin ang trabaho na inatang sa kanila. Sabi ni Poe, hindi na naawa sa mga drayber na nauwi na sa pagpapalimos.

Ano nga ba talaga ang ginagawa ni DOTr Secretary Art Tugade? Bakit hindi gamitin ang pera para matulungan ang mga drayber. Nai-release na pala ng DBM ang P9.5 bil­yon na pondo sa DOTr na ang malaking bahagi – P5.58 bilyon – ay nakalaan para bigyan ng temporary livelihood  ang mga displaced drivers and operators. Bakit ayaw gas­tusin?  Inilalaan ba ito sa eleksyon?

Dapat sagutin ni Tugade ang mga tanong ni Poe na tila iregularidad sa bakuran ng DOTr. Hindi ito isang bagay­ na puwedeng ipikit-mata na lang lalo ngayon na hirap na hirap ang marami dahil sa pandemya. Makonsensiya sana ang DOTr at huwag nang ipitin ang pondo na inilaan para sa mga na-displaced na drivers at operators.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with