^

PSN Opinyon

Ganyan kalaki ang kinita

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA patuloy na imbestigasyon sa Pharmally at ang bilyong-bilyong nakuhang kontrata sa Duterte administration noong nagsimula ang pandemya, naungkat ang mga sasakyan ng mga opisyal nito. Nakakalula nga naman ang mga presyo. Ang presidente ng Pharmally ay may 2021 Lamborghini Urus na may halagang P25 milyon umano. Ang direktor naman ay may P13.5 milyong Porsche Carrera 4S. Ang corporate secretary/treasurer, P80.5 milyong sasakyan ang isa habang higit P5 milyon naman ang isa.

Tatlong opisyal, higit P52 milyong halaga ng mga sasakyan sa pagitan nila. Ilang bahay ang mabibili na sana ng halagang iyan pero hindi para sa mga opisyal na ito. Dapat mamahaling sasakyan ang binili sa mga kinita sa gobyerno. Lahat iyan nabili ng mga opisyal ng kompanyang kulang ang kapital para ipatupad ang kontrata. Pero nakahiram naman sila, hindi ba?

Magkano naman kaya ang kinita ni Michael Yang sa kanyang pinautang sa Pharmally? Kung ganyan­ kamahal na sasakyan ang nabili ng mga opisyal matapos­ makuha ang kontrata, sigurado may kinita rin si Yang, hindi ba? Magpapahiram ka ba sa negosyo na walang kita, lalo na’t ganyan kalaki?

Wala namang masama sa pagbili ng mamahaling­ sasakyan kung pinaghirapan at may karapatan at kaka­ya­nan naman. Pero ang kinukuwestyon dito ay ang napa­kabilis lumaki ng kompanyang Pharamally lalo na’t hindi­ naman kalakihan ang kapital. Ang babata pa ng mga opisyal para kumita ng ganyang kalaki. Ang iba riyan, nakakabili lang ng ganyang sasakyan kapag matagal nang may negosyo at may edad na para ma-enjoy ang kinita.

At para makabili ng ganyang kamahal na sasakyan, siguradong napakalaki ng kinita ng Pharmally. Lahat iyan sa loob lamang ng isa’t kalahating taon. Paano kumita ng ganyan kalaki? Iyan ang iniimbestigahan ng Senado, kasama ang overpricing, pinaboran ng gobyerno dahil tila may padrino at kung ano pa.  

 Ang ordinaryong mamamayan ay hindi maiiwasang malula sa presyo ng mga sasakyang ito. Ang karaniwang­ problema ay kung paano kumita sa panahon ng pandemya para may makain sa araw-araw. Pero para sa mga opisyal ng Pharmally, napakadali kumita ng milyon. Walang pera? Humiram sa isang malakas sa gobyerno. Kunin ang kontrata mula sa gobyerno, ipinatupad sa tulong­ din ng nagpahiram sa kanila ng pera, at maghintay na lang ng bayad. Tapos bibili na ng milyong pisong sasakyan. Tapos ang problema nila.

vuukle comment

PHARMALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with