^

PSN Opinyon

‘Malasakit Center’ laking tulong sa mamamayan

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MADALAS kinukutya sa social media ang “Malasakit Center­” na ngayon ay 140 na at matatagpuan sa iba’t ibang sulok­ ng bansa partikular na sa mga government hospital kung saan nagpapagamot ang karamihan sa ating mga kababayan.

Hindi ito usapang pulitika. Ito ay tungkol sa serbisyo ng pamahalaan dala nang malaking tulong na naibibigay ng Malasakit Centers sa mga mamamayan lalo na sa pag­babayad ng hospital bills.

Lahat tayo hirap sa pera dahil na rin sa pandemyang COVID-19. At talagang malaking tulong kung ang hospital bill natin ay zero na lang. ‘Yun ang serbisyong dulot ng Malasakit Centers na sigurado akong marami na rin sa ating mga kababayan ang nakakabenepisyo. 

Ang Malasakit Center ay isang mekanismo na sini­mulan at pinatayo ng administrasyon ni President Duterte na pinangunahan at tinutulak ni Senator Christopher “Bong” Go.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na mata­tagpuan sa loob ng ospital na kung saan puwedeng takbuhan ng mga pasyente upang mabawasan kung hindi man wala na silang bayaran sa kanilang hospital bill.

Ang one-stop shop na ito ay pinagsama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO), PAGCOR, Lingap at kung ano pang ahensiya na nagbibigay ayuda o tumu­tulong sa pagbabayad ng hospital bills. 

Kaya imbes na pupunta pa ang mga bantay ng pasyente­ sa iba’t ibang opisina ng mga nasabing ahensiya na kung saan-saang lupalop, kumpletuhin na lang nila ang mga pertinenteng dokumento at asikasuhin na sila sa Malasakit Center sa kung saan mang ospital. Hindi na kailangan pang lumabas ng ospital upang maghagilap ng ayuda sa mga ahensiyang sinasabi. 

Malaking tulong talaga ang Malasakit Centers at walang-wala tayong pangtustos sa mga gastusin sa pagpagamot.

At noong isang araw ay may 140 na Malasakit Center na naitatag sa mga ospital sa bansa. Ang pang-140 ay sa Western Visayas Santitarium sa Sta. Barbara, Iloilo. 

Nais ng pamahalaan na madagdagan pa ang Malasakit Centers upang mas marami pa ang matulungan nito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with