^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maging mapagmatyag sa banta ng terorismo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maging mapagmatyag sa banta ng terorismo

MARAMI nang nangyaring karahasan sa bansa na ang gumawa ay mga terorista. Maraming buhay­ ang nasayang at maraming ari-arian ang nawasak dahil sa pambobomba.

Sino ang makalilimot sa Rizal Day bombing noong Dis. 30, 2000 na ikinamatay ng 22 katao at ikinasugat ng 100. Limang sunud-sunod na pambo­bomba ang isinagawa sa Metro Manila na ang pinaka­malubha ay ang LRT bombing. Tinaniman ng bomba ang train na galing Baclaran at pagdating sa Blumentritt Station sa Maynila, sumabog ang bomba na maraming namatay karamihan ay mga namili ng ihahanda para sa pagsalubong sa Bagong Taon. Nang mahawi ang usok, tumambad ang maraming patay. Abu Sayyaf ang nasa likod ng pambobomba.

Noong Peb. 27, 2004, binomba ang Superferry habang naglalayag patungong Cagayan de Oro City na ikinamatay ng 116 katao. Ito ang pinakamalagim na ginawa ng mga terorista. Ayon sa report, inilagay ang 3.6 kilogram na bomba sa loob ng isang TV set at ipinatong sa deck kung saan maraming pasahero. Kagagawan ng Abu Sayyaf ang pambobomba.

Nasundan iyon ng pambobomba (Valentine bombing) sa isang bus sa Makati City noong Peb. 14, 2005 na ikinamatay ng limang pasahero at pagka­sugat ng 13 iba pa. Kagagawan din ng Abu Sayyaf ang pambobomba.

Noong Lunes, nagpalabas ng terror attack advisory ang Japan laban sa mga bansa sa Southeast Asia na kinabibilangan ng Pilipinas. Ang advisory ay ginawa ilang araw makaraang gunitain ang ika-17 anibersaryo ng 9/11 terrorist attack sa United States. Tatlong eroplano ang kinumander ng mga terorista at ang dalawa ay ibinangga sa World Trade Center at ang isa ay sa The Pentagon.

Ang terror attack advisory ng Japan ay hindi dapat ipagwalambahala sapagkat ang mga terorista ay naghihintay lamang ng pagkakataon para suma­lakay. Maging alerto ang mga awtoridad. Maging ma­pag­matyag sa mga taong kahina-hinala ang kilos. Sasamantahalahin ng mga terorista ang pag­kakataon na ang mamamayan ay tuliro habang naki­kipaglaban sa pandemya.

Huwag hayaang manaig ang masamang layunin­ ng mga terorista. Ang pakikipagtulungan ng mama­mayan sa mga awtoridad para madakip ang mga terorista ay malaki ang magagawa para maputol na ang karahasan.

vuukle comment

TERRORISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with