^

PSN Opinyon

Husay ni Eleazar ay di-matatawaran

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang linggo, bultu-bultong shabu ang na­diskubre ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zambales, Pan­gasinan at Cavite. Sa drug operation sa Zambales, apat na Chinese national ang napatay at nakumpiska sa mga ito ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 bilyon.

Mula nang manungkulan si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, marami na siyang accomplishment. Bukod sa maraming nalutas na krimen, marami na rin siyang pina­sibak na pulis matapos mapatunayan ang pag-abuso sa serbisyo. Dahil sa husay, sipag, galing at talino ni Eleazar, marami ang nananawagan na i-extend ang kanyang termino.

Miyembro si Eleazar ng PMA Hinirang Class of 1987. Naging makulay ang 34 na taong serbisyo niya sa PNP. Maayos niyang nagampanan ang pagiging director ng Quezon City Police District (QCPD), regional director ng CALABARZON-PNP, NCRPO chief, PNP directorial chief of staff, PNP deputy chief for operations hanggang maging PNP chief.

Alam ng 220,000 strong force ng PNP ang pagiging disciplinarian ni Eleazar. Basta bulok, abusado, kotongero at sangganong pulis ay tiyak na masisibak. Kung ang pulis naman ay mabuti, magiting, marangal at gumaganap ng sinumpaang tungkulin, tiyak na sasaluduhan at bibigyan niya ng papuri.

Tubong Tagkawayan, Quezon si Eleazar. Mabuting anak, tapat na asawa at ulirang ama sa kanyang mga anak. Kahit anong busy niya sa trabaho, hindi maiaalis ang pagi­ging mapagmahal sa kanyang pamilya. Ganito rin ang de­dikasyon ni Eleazar sa trabaho – ipatupad ang tama at sinserong magsilbi sa taumbayan.

“Darling of the Press” si Eleazar. Marunong siyang makisama sa mga miyembro ng media. Anumang oras ay nakahanda siyang ipaliwanag sa publiko ang mga isyung dapat sagutin ng pamunuan ng PNP.

Sa Nobyembre 13 ang  mandatory retirement ni Eleazar. Bukod sa kahilingan na i-extend ang kanyang panunungkulan, mayroon din namang nagsusulong na dapat ay pasukin nito ang mundo ng pulitika para maipagpatuloy ang serbisyo publiko. Siya ay tunay na may pusong busilak at dalisay na handang maglingkod sa publiko.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with