^

PSN Opinyon

China nanggigigil sa tratadong PH-US

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Strategic ang pakay ng Chinese Communist Party  sa Pilipinas, anang mga heneral na nag-aanalisa ng mga kaganapan sa Southeast Asia. ‘Yon ay ang pagwasak sa PH-US Mutual Defense Treaty. At target nila na maipa-basura ‘yon bago magtapos ang taong 2022.

Bakit? Ito ang pagsusuri ng mga heneral:

Imperyalistang kaaway ang tingin ng CCP sa Amerika. Hadlang ito sa paglakas ng ekonomiya, militar at geopolitics ng China sa mundo. Nais ng CCP madomina ang kalakaran sa Asia, Africa at Latin America. Ikinakalat nito ang Marxism-Leninism-Stalinism-Mao Zedong Thought-Xi Jinping Thought. Ito ang bagong sosyalismo ng CCP. At magtatagumpay lang ang sosyalismo kung lahat ng maliliit at mahihirap na bansa ay tatalima – laban sa impluwensiya ng kapitalistang America.

May kagyat din na objective ang CCP. ‘Yon ay ang masakop ang Taiwan bilang tumiwalag na probinsiya. Sa Formosa, ngayo’y Taiwan, tumakbo ang Kuomintang government nang manalo ang CCP sa Chinese Civil War nu’ng 1949. Pangako ni Xi mabawi ang Taiwan.

Ang magkalapit na Pilipinas at Taiwan ang pinaka-bakod ng China sa Pacific Ocean. Kontrolado ng America ang malaking dagat. Inaangkin ng CCP ang South China Sea bilang sariling lawa.

Balakid sa CCP ang PH-US Mutual Defense Treaty. Sa kasunduan, sasaklolo ang America kung atakihin ang anomang barko o eroplano o lupain ng Pilipinas. Kung maibabasura ng CCP sa Pilipinas ang MDT, hindi na obli­gado tumulong ang America kontra sa panlulupig. Masosolo ng China ang West Philippine Sea, ang bahagi ng SCS na exclusive economic zone ng Pilipinas. Labas na sa rehiyon ang America.

Mariing dagok din sa America kung ibasura ang tratado nito sa isang kaalyado. Maipapakita ng CCP ang matagal na nitong bansag sa Anerica na “tigreng papel”. Pati ibang mga katratado ng America sa rehiyon – Japan, Korea, Indonesia, Vietnam at Singapore ay magdududa.

vuukle comment

CCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with