^

Metro

PNP-HPG pinaigting ang kampanya vs gumagamit ng blinkers, wang-wang

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP-HPG pinaigting ang kampanya vs gumagamit ng blinkers, wang-wang
Ayon kay  PMGen. Valeriano De Leon, dapat na maipatupad ng batas laban sa paggamit ng mga emergency device ng mga private vehicles.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inatasan ni Philippine Natiobl Police-Officer in Charge Lt.Gen Vicente Danao ang  PNP-HPG na paigtingin ang kampanya laban sa mga motorista na gumagamit ng blinkers at wawang.

Ayon kay  PMGen. Valeriano De Leon, dapat na maipatupad ng batas laban sa paggamit ng mga emergency device ng mga private vehicles.

Nakasaad sa Presidential Decree No. 96 na pirmado ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, ng mga ­blinkers o wangwang ay pinapahintulutan lamang sa Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Land Transportation Office,  Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga ambulansiya.

Umapela si De leon sa mga may- ari ng  sasakyan na tanggalin na ang mga wangwang at blinkers dahil hindi nila papayagan ang mga ito na labagin ang batas.

Makikipag-ugnayan ang PNP-hpg  sa Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority at mga local government units (LGUs) sa pamamagitan ng kanilang  traffic enforcement bureaus upang  sabay-sabay at tuluy-tuloy ang implementasyon nito sa buong bansa.

Nagbabala rin si De Leon  sa mga nagbebenta at nagkakabit  ng wang wang at blinker na maging sila ay aarestuhin at mananagot sa batas.

Dahil dito, inalerto rin ni De Leon ang mga police commanders  na imonitor ang mga establisimyento na nagbebenta at nagkakabit ng mga emergency device sa kani-kanilang  nasasakupan na posibleng sampahan ng kaso.

vuukle comment

NATIOBL POLICE-OFFICER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with