^

Metro

Bagitong pulis, patay sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bagitong pulis, patay sa Caloocan
Kinilala ang biktima na si Pat. Jefferson Valencia, 24, residente ng Gen. Luna, Zaragoza Nueva Ecija at nakatalaga sa Bulacan PPO, 1st Bulacan Provincial Mobile Force Company.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang bagitong  pulis  kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Pat. Jefferson Valencia, 24, residente ng Gen. Luna, Zaragoza Nueva Ecija at nakatalaga sa Bulacan PPO, 1st Bulacan Provincial Mobile Force Company.

Nangyari ang insidente  dakong alas-7:30 ng umaga habang  minamaneho ni Valencia ang isang silver gray na sasakyan sa kahabaan ng Clamor Avenue, Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City nang harangin at pagbabarilin ng  gunman na nasa 5’5 ang taas, nakasuot ng itim at pulang cap, itim na jacket, itim shorts .

Kaagad binawian ng buhay ang biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan habang rumampa pa  sa poste ng kuryente ang sasakyan nito matapos mawalan ng control.

Base sa pahayag sa pulisya ng isang saksing 56-anyos na liason officer at residente sa lugar, matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek patungong Bankers Village, Brgy. 171.

Narekober ng mga tauhan ng NPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/Capt. Romar Quilang sa crime scene ang anim na basyo ng bala at isang bala ng caliber .9mm pistol.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 subalit nabigo silang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

JEFFERSON VALENCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with