^

Metro

8 inmates ng NBP, walang sintomas ng COVID-19 bago namatay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
8 inmates ng NBP, walang sintomas ng COVID-19 bago namatay
Base sa resulta ng imbestigasyon ng NBI natagpuan na: 1) ang room assignment ng walo sa Bldg. 4 ay ayon sa uri ng kaso sa ilegal na droga; 2) matapos na ihiwalay sila at ilipat sa umano’y mas komportableng kuwarto ay agad na silang namatay; 3) walang nakitang anumang kahina-hinalang sitwasyon ang mga saksi kaugnay ng COVID-19 kahit na plywood lang ang pagitan ng mga selda; at 4) ang nakita lamang nilang iregular ay nang unti-unting naglaho sa Bldg. 4 ang mga inmates.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Wala umanong sintomas ng COVID-19 ang walong ‘high-profile inmates’ sa New Bilibid Prisons (NBP) ilang araw bago sila mamatay dahil umano sa virus, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Isa ito sa ipinalabas na resulta ng imbestigasyon ng NBI na ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) makaraang matagpuang patay si Jaybee Sebastian sa NBP na nasa kontrol noon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Dito isinailalim din sa imbestigasyon ang pagkamatay nina Francis Go, Shuli Lim Zhang, Jimmy Ang, Eugene Chua, Benajamin Marcelo, Sherwin Sanchez, Amin Boratong, at Willy Yang.

Base sa resulta ng imbestigasyon ng NBI natagpuan na: 1) ang room assignment ng walo sa Bldg. 4 ay ayon sa uri ng kaso sa ilegal na droga; 2) matapos na ihiwalay sila at ilipat sa umano’y mas komportableng kuwarto ay agad na silang namatay; 3) walang nakitang anumang kahina-hinalang sitwasyon ang mga saksi kaugnay ng COVID-19 kahit na plywood lang ang pagitan ng mga selda; at 4) ang nakita lamang nilang iregular ay nang unti-unting naglaho sa Bldg. 4 ang mga inmates.

Nabatid pa na hindi ito tugma sa alegasyon ng mga tauhan ng NCRPO na inalagaan umano nila ang mga inmates at nakaalerto habang may COVID-19;  natagalan umano bago nadala ang mga inmates sa pagamutan;  lahat ng inmates ay idineklarang ‘dead-on-arrival’ dahil sa ‘cardiac o pulmonary arrest, ngunit sa pagsusuri ay walang nakitang sintomas ng COVID-19 sa kanila ilang araw bago sila namatay.

“They availed the situation that in case of COVID-19 ca­ses, cadavers should imme­diately be cremated. Cremation, for this case, was the final act to consummate and effectively cover-up the scheme to kill the victims,” ayon sa NBI.

Natagpuan nila na ‘natural cause’ ang ikinamatay ni Jaybee Sebastian.

Dahil dito ay sinampahan ng walong counts ng murder ng NBI  ang 22 tauhan ng NCRPO na direktang may pananagutan o partisipasyon sa pagkamatay ng mga inmates.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with