^

Metro

Ex-Batangas vice governor., huli sa mga boga

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ex-Batangas vice governor., huli sa mga boga
Batay sa ulat, nabatid na si Recto ay dinakip nang pinagsanib na puwersa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) at ng Eastern Police District (EPD) noong Linggo, sa bisa ng isang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang dating bise gobernador ng Batangas na si Richard ‘Ricky’ Recto matapos umanong mahulihan ng iba’t ibang uri ng mga baril, na pawang hindi lisensyado, sa isang operasyong ikinasa sa Pasig City.

Batay sa ulat, nabatid na si Recto ay dinakip nang pinagsanib na puwersa ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) at ng Eastern Police District (EPD) noong Linggo, sa bisa ng isang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).

Nag-ugat ang operasyon nang ireklamo si Recto ng kanyang dating nobya nang paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act, in relation to RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Matapos ang isinagawang pagsusuri, kaagad na kumuha ng WSSECD ang mga awtoridad noong Hulyo 1 at kaagad itong isinilbi kay Recto noong Linggo.

Kaagad namang inaresto ng pulisya si Recto matapos na makumpiskahan ng mga digital devices, gayundin ng limang hindi rehistradong mga baril, na kinabibilangan ng isang 12-gauge shotgun, dalawang .9mm pistola, isang caliber .25 revolver, at isang caliber .40 pistola.

Isang operatiba pa umano ang nasugatan sa braso matapos itong atakehin ng dating bise gobernador habang sinisiyasat ang mga nakumpiskang items.

Ang suspek ay dinala na sa headquarters ng ACG at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Article 148 o Direct Assault Against an Agent of Person In Authority ng Revised Penal Code at Republic Act No. 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

vuukle comment

RICHARD ‘RICKY’ RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with