^

Metro

P102 milyong shabu, nakumpiska: 2 Chinese arestado ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P102 milyong shabu, nakumpiska: 2 Chinese arestado ng PDEA
Ang dalawang Chinese na nahulihan ng nasa 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P102 milyon sa isinagawang operasyon sa Pasay City.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nasa 15 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102 mil­yon ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust ­operation sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi, na nag­resulta rin sa pagkakaaresto ng dalawang Chinese natio­nals.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga dayuhang suspek ay nakilalang sina Bin Hu, 42, tubong Hunan, China at residente ng Ecoland Phase 1, Matina, Davao City, Davao del Sur at Jiankang Liang, 40, tubong Hunan, China at residente ng Filmore St., cor Gil Puyat Ave., Palanan, Makati City.

Batay sa ulat, nabatid na dakong alas-6:45 ng gabi nang ikasa ng mga tauhan ng PDEA RO National Capital Region (NCR), katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Malate Police Station 9 (PS-9) ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa CCP Bay Terminal Parking Lot, sa Malate, na sakop ng Barangay 720.

Bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga dayuhan kaya’t kaagad na tinarget ang mga ito sa isang buy-bust operation.

Nang magpositibo ang operasyon ay kaagad nang inaresto ang mga suspek na nakumpiskahan ng kabuuang 15 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000,000.

Sina Hu at Liang ay kapwa nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.— Danilo Garcia

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with