^

Metro

Bus routes sa ‘Libreng Sakay’, posibleng dagdagan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bus routes sa �Libreng Sakay�, posibleng dagdagan
Commuters, who are heading to their workplaces, line up at the Nepa Q-Mart station of the EDSA Bus Carousel in Quezon City early morning, June 21, 2022, to beat the influx of passengers.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magdagdag pa ng mga libreng bus rides sa mas maraming ruta, sa ilalim ng kanilang ‘Libreng Sakay Program’.

Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, makikipagpulong si DOTr Secretary Jaime Bautista sa mga pinuno ng mga ahensiyang may kinalaman dito upang talakayin ang isyu.

Aniya pa, sa ngayon ay sapat lamang ang budget ng DOTr para sa kasaluku ‘yang mga ruta ng libreng sakay.

“Nire-review ‘yan nga­yon sapagkat ‘yung budget na nakalaan, of course through congressional approval at nung nakaraang administrasyon, ay sasapat lang at hindi kasama ‘yung ibang ruta na hinihi­ling nila ngayon,” paliwanag pa ni Chavez, sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

Matatandaang noong Biyernes ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpapalawig sa EDSA Carousel bus rides hanggang sa Disyembre 2022, mula sa dating hanggang Hulyo 30, 2022 lamang.

Inaprubahan din ng pangulo ang pagkakaloob ng libreng sakay para sa mga estudyante na gumagamit ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

Ipinaliwanag naman ni Chavez na hindi sustai­nable ang libreng sakay para sa lahat sa MRT-3 dahil ang naturang rail line ay mayroon lamang P82 milyong revenue collection noong Enero, habang gumastos ito ng P722 milyon para sa libreng sakay.

Hindi rin aniya maaa­ring magkaloob ng libreng sakay ang LRT-1 para sa lahat dahil ito’y nasa ilalim ng isang concession agreement sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) at walang kontrol ang pamahalaan sa operasyon at kita nito.

 

vuukle comment

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with