^

Metro

Carousel bus vs motorsiklo: Rider patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Carousel bus vs motorsiklo: Rider patay
Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng EDSA Southbound Carousel Bus Line, sa harapan ng Trinoma, sa Brgy. Philam, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang rider ang patay nang makasagian ng kanyang sinasakyang motorsiklo ang isang Carousel bus sa EDSA, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na  si Fernando Bullo Baltazar Jr., 37, residente ng Area C, Parola, Binondo, Manila na nagtamo matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, arestado naman ang driver ng Ca­rousel bus na si Ramil de Guzman, 48, at residente ng Mahogany St., Fines Village Subdivision, Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng EDSA Southbound Carousel Bus Line, sa harapan ng Trinoma, sa Brgy. Philam, Quezon City.

Lumilitaw sa paunang ulat ni PCMS Edward Rimand na bago ang aksidente ay binabaybay ng biktima, sakay ng kanyang Honda motorcycle, ang kahabaan ng southbound lane ng EDSA, ga­ling sa Muñoz patungong Cubao, nang pagsapit sa Carousel Bus Line sa harapan ng Trinoma, ay bigla nitong makasagian ang minamanehong Volvo City Bus (CAS-588) ni De Guzman.

Dahil dito, sumemplang ang motorsiklo, at bumagsak ang rider nang una ang ulo sa sementandong kalye, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. Ang suspek ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with