Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, maaaring bumaba sa loob ng 1 hanggang 2 linggo
MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa susunod na isa hanggang dalawang linggo.
Ito ang pagtaya ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group dahil sa bumabang reproduction number sa ngayon.
Batay sa ulat ng OCTA, pumalo lamang sa 1.5 ang reproduction number ng Covid-19 sa Metro Manila, mas mababa ito sa 8.3 percent positivity rate nitong nagdaang araw at 7.5 percent positivity rate noong June 29.
Anya maaari pang bumaba ang reproduction number sa susunod na mga linggo o maaaring maging daan ng pagkakaroon ng downward trend sa reproduction number sa ngayon.
Gayunman sinabi ni David na ito ay projections niya lamang at maaaring may maganap na pagbabago .
Anya ang bilang ng COVID-19 cases sa ngayon ay dulot ng Omicron subvariants BA.4 at BA.5.
- Latest