^

Metro

Muay Thai instructor binoga sa ulo, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Muay Thai instructor binoga sa ulo, patay
Kinilala ni  Las Piñas Police Station P/Colonel Jaime Santos ang biktima na si Alvin Garcia, 36, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang Muay Thai intructor na binaril ng hindi pa kilalang gunman sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni  Las Piñas Police Station P/Colonel Jaime Santos ang biktima na si Alvin Garcia, 36, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng St. Anne St. at Tramo Road, Zapote.

Habang sakay ng motorsiklo ang biktima ay lumutang ang gunman at pinuntiryang barilin sa ulo ang biktima.

Nahulog mula sa motorsiklo ang biktima na duguan ang ulo na namatay noon din.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakilanlan ng salarin.

“Pinag-aaralan pa namin ‘yung footage, may CCTV at ‘yung cellphone ng biktima, dun muna kami magre-rely,” ani Col. Santos.

vuukle comment

JAIME SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with