^

Metro

Mister nasita sa face mask, huli sa shabu na tinangkang lunukin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsilbing susi ang hindi pagsusuot ng face mask ng isang 44-anyos na mister  matapos na mahulihan ng shabu na tinangka pa nitong lunukin nang sitahin ng mga awtoridad sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief P/ Col. Samuel Mina Jr., ang naarestong suspect na si  Benjamin Cabintoy ng Diam St., Brgy. Gen. De Leon, Valenzuela City.

Sinabi ni Mina, kasaluku­yang  nagsasagawa ng anti-criminality operation at pagpapatrulya ang mga tauhan ng Sta. Quiteria Police Sub-Station 6 sa kahabaan ng Apple Ville, Brgy. 162, Caloocan City dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maispatan ng mga pulis ang suspect na walang suot na face mask habang gumagala sa lugar.

Nang lapitan at hinanapan ng kanyang identification ay tinangkang tumakas ng suspect subali’t nagawa  itong makorner ng mga pulis at ­inaresto dahil sa paglabag sa Art 151 ng Revised Penal Code.

Ang pagsusuot ng face mask ay bahagi ng health protocols ng Department of Health (DOH) habang nagpapatuloy pa ang COVID- 19 pandemic sa bansa.

Samantalang bukod dito , nahalata ng mga pulis na tila may kung anong itinatago ang nasabing suspect.

Narekober sa suspect ang tinangka nitong lunukin na isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P2,448 ang halaga.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag  sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

SAMUEL MINA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with