Positivity rate ng COVID sa NCR, 9 pang lugar tumaas - OCTA
MANILA, Philippines — Tumaas ang positivity rate o bilang ng mga indibiduwal na may COVID-19.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group, tumaas sa 7.5 percent ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa dating 6.0 percent.
Mas malaki ang itinaas ng positivity rate ng lalawigan ng Cavite na umabot sa 13.2 percent nitong June 29 mula sa 5.9 percent noong June 25.
Batay sa World Health Organization’s (WHO), ang benchmark positive rate ay dapat hanggang 5 percent lamang.
Anya, nagpakita rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Laguna, Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, Iloilo, at Pampanga.
Pero bumaba naman ang positivity rate sa Rizal na naging 9.7 percent na lamang mula sa dating 11.9 percent.
Sa latest record, may 1,309 bagong kaso ng COVID-19 infections sa bansa.
- Latest