^

Metro

MOA sa data at info sharing ng traffic violators nilagdaan ng LTO, MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas mapapabilis na ang pagkuha ng impormasyon at datos ng mga lumalabag sa batas-trapiko sa pagitan ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO).

Ito’y matapos malagdaan kahapon  ang memorandum of agrrement (MOA)  sa pagitan nina MMDA Chairman Atty. Romando Artes at LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante   na nag-uugnay sa kanilang data system para sa mas mabilis na pagbabahagi ng impormasyon sa mga motorista at sasakyang sangkot sa traffic violations at apprehensions.

Ang LTO-MMDA System Interconnectivity Project ay may layuning mas mapabilis ang data-sharing accord, na magpapalakas sa pagpapatupad ng batas at traffic apprehension function ng dalawang ahensya.

Sa pamamagitan ng mas aktibo at napapanahong pagbabahagi ng data at makakatulong na palakasin ang kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng agarang  pagtukoy sa mga driver at pagtanggal sa sasakyang sangkot sa maraming paglabag at insidente ng trapiko.

Ayon kay Artes, gagawin nitong mas effecient ang traffic enforcement at apprehension system ng MMDA, na may real-time na access sa mga nauugnay na talaan ng LTO sa loob ng LTMS.

Ang Land Transport Ma­nagement System (LTMS) ay ang sariling data repository at backbone ng mga serbisyo ng LTO na online at nakabatay sa kliyente, na nagbibigay-daan sa access sa mga stakeholder 24/7. Bukod sa mga lisensya sa pagmamaneho, pagpaparehistro ng sasakyan, at mga rekord ng inspeksyon sa kaligtasan ng sasakyan, ang LTMS ay magkakaugnay na ngayon sa mga kaalyadong partido tulad ng mga nagbebenta ng sasakyan,­in surance companies, at mga ahensya ng gobyerno tulad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Baureau of Customs.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with