^

Metro

Chinese national timbog sa kidnapping

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang isang Chinese national na sangkot sa insidente ng pagdukot sa kababayan niyang isang grocery owner, sa Makati City.

Kinilala ni SPD Director PBGen Jimili Macaraeg ang nadakip na si Cai Guijia, 26, ng Ponte St. Brgy. Tejeros, Makati City.

Sa ulat, unang dumulog sa Makati City Police ang 35-anyos na si Lou Chen Chen, at iniulat ang pagdukot sa kapatid niyang si Chao Fang, 24, nitong Hunyo 25. Sinabi niya na nakatanggap siya ng isang video message sa Telegram application na pinapakita na sinasaktan ang kaniyang kapatid.

Nitong Hunyo 27, nakatanggap siya ng mensahe na nanghihingi ng P3 milyon para palayain ang kaniyang kapatid at ide-deliber ang pera sa isang malaking hotel-casino (Okada) sa Parañaque City.

Dito nagsagawa ng operasyon ang pulisya sa hotel dakong alas-10 ng gabi na nagresulta ng pagkakatukoy sa suspek nang tawagan gamit ang cellphone ni Lou.

Agad siyang pinosasan ng mga pulis habang nailigtas naman ang biktima.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention sa Makati City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with