^

Metro

Road closure sa Maynila, nagsimula na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Road closure sa Maynila, nagsimula na
Nagsagawa ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City ng gun ban checkpoint sa Kalayaan Avenue na bahagi ng seguridad na ipapatupad sa nakatakdang inagurasyon ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa darating na Huwebes, Hunyo 30.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagpatupad na nang pagsasara ng mga kalsada ang mga awtoridad sa bisinidad ng National Museum sa Maynila kaugnay ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Alas-11 ng Linggo ng gabi nang umpisahang isara ang Padre Burgos Avenue, Finance Road, Maria Orosa Street mula Kalaw hanggang Padre Burogs, at General Luna St. mula Padre Burgos-Muralla Streets.  Hindi muna padaraanan ang nabanggit na mga kalsada hanggang alas-11 ng gabi sa Hunyo 30.  

Isasara rin sa trapiko sa Hunyo 30 mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi ang Ayala Boulevard at Victoria Street mula Taft Avenue hanggang Muralla Street.

Inabisuhan din ang mga motorista na iwasan ang mga naturang kalsada o kung hindi maiiwasan ay sumunod sa itinakdang traffic re-routing ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang nasa  Roxas Blvd. northbound, maaring kumanan sa UN Avenue o TM Kalaw Avenue at kumaliwa sa Taft Avenue.

Ang mga nasa Roxas Blvd. eastbound ay maaaring kumaliwa sa TM Kalaw o UN Avenue at kumanan sa Taft Avenue.

Samantala, isasara rin ang iba pang mga kalsada kabilang ang: Mendiola Street mula Hunyo 29, alas-12:01 ng hatinggabi hanggang Hunyo 30, alas-11 ng gabi; Jalandoni St., PICC, Pasay City mula Hunyo 30 alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi; at Legarda Street mula San Rafael hanggang Figueras St., mula Hunyo 30 ala-1 ng hapon hanggang alas-11 ng hapon.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with