^

Metro

‘Hunyo 30, ideklara na ring holiday’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

PNP sa mga katabing lungsod ng Maynila

MANILA, Philippines — Umapela si Philippine National Police-Director for Operations,PMGen Valeriano T. De Leon sa mga local government units na karatig lungsod ng Maynila na ikonsidera ang pagdedeklarang holiday ng Hunyo 30, araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Una nang nagdeklara ang Manila LGU na non- working holiday sa Huwebes, Hun­yo 30 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na masaksihan ang panunumpa ng ika-17 pangulo ng Pilipinas

Ipinaliwanag ni De Leon na, ang kanilang mungkahi ay upang maiwasan na maabala ang mga motorista at commuters lalo pa at sinimulan na ang re-routing at checkpoints kahapon.

Dahil sa road closure at re-routing maapektuhan ang ilang kalsada na papasok at palabas ng Maynila.

Ipinatutupad na ang gun ban simula ngayon habang simula na ang Task Force Manila Shield bukas, Hunyo 28.

Aniya ang mga nabanggit na security measures ay epektibo hanggang sa Sabado, Hulyo 2.

“Malaki ang maitutulong ng pagdeklara ng holiday sa mga karatig na lugar ng Lungsod ng Maynila sa paglalatag ng mga planong pang-seguridad bukod sa mabibigyan ng oportunidad ang kanilang mga constituents na saksihan ang isang historic event na ito,” ani De Leon.

Ilan sa mga lungsod na kalapit ng City of Manila ay Quezon City, Caloocan at Pasay.

vuukle comment

HOLIDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with